Heart 35

220 24 11
                                    


Ysieve's PoV

Nang sinabi niyang kay Joshiro ulit siya pupunta ay may prang kutsilyong tumusok na sa aking puso. Maraming tumatakbo sa isipan ko nang umalis siya. Iniisip ko kung babalik pa ba siya? Natatakot ako na baka sa isang ihip ng hangin ay mawala siya sa akin. That's Joshiro we're talking about.

Anong laban ng buwan sa walong taon?

I waited for her outside. When I saw her,  ran to me and started crying... there's something in me that got offended. My baby is crying again, she's crying because of Joshiro...once again. How can I ever beat him? How can I own Chatty's heart fully?






Chatty is preoccupied lately. Hindi ko nalang siya tinatanong kung bakit. I respect her privacy. Ramdam ko kasi na ayaw niyang pag-usapan. Madalas na nakatulala at hindi nagsasalita. Wala sa wisyo. I'm starting to worry about her. Simula nang hindi na niya binibisita si Josh nang manggaling siya sa hospital last week naging gano'n siya. Ayaw kong isipin na mahal niya pa si Josh.

Everyday pinadaldalhan ko siya ng pagkain sa office dahil ang sabi sa akin ng manager sa finance ay bihirang lumalabas si Chatty. I'm sending her tulips everyday. At parating sinusundo mula sa trabaho kahit pa ayaw niya.

Maraming nangyari sa isang linggong lumipas, I received a call from mama nang nasa office ako kanina. She said na nasa hospital si ate. She went back to Melbourne a month ago. She's hospitalized now because of her damn fiancé. Malala ang lagay dahil sa pangbubugbog ng putanginang kano na 'yon. I can't handle my anger a while ago kaya nakabasag ako ng mga gamit sa loob ng opisina. Magkikita kami ni Chatty dahil do'n daw siya sa penthouse matutulog. I'll keep this damn problem to myself muna. Ayaw kong makadagdag sa dinadala niya. I know na may problema siya.

"Ysieve," tawag niya sa atensyon ko. Nasa penthouse kami ngayon. Yakap-yakap ko ang beywang niya habang nakahiga at nanonood ng isang pelikula.

"Hmm?" I replied.

"Paano kung mawala ako sayo?" tanong niya.

"That will not happen," sagot ko agad.

"Uhm...paano lang naman. Kaya mo namang wala ako ulit sayo hindi ba? Nakaya mo naman noon," dagdag niya pa. Bigla kong pinause ang pinapanood at hinarap siya. My eyebrows furrowed.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Where are all that shit coming from?" I'm already irritated from what she is saying . She licked her lower lips.

"I'm going to States," anya.

"For work? Then go, I'll wait. Bakit mo pa sinasabi 'yung kanina?" humiga muli ako at niyakap ang beywang niya.

"I'm breaking up with you." Bigla akong napatayo sa sinabi niya. Hindi na inalintanang ihinto ang pinapanood.

"Is this a joke?" nakakunot na ang noo ko at galit na ang tono ng boses. I went out from the bed and stood near it.

"Chattiana ano ba 'yan?" Kalmado pa rin ang boses ko pero may bakas na ng galit. I'm trying my best to not shout at her. Hindi siya agad nakapagsalita.

"Susundan ko si Joshiro," sagot niya. I held the bridge of my nose at pumikit. I'm fucking controlling myself right now.

Joshiro nanaman!

"Chatty what the fuck are you saying?" Masama ko siyang tinignan.

"I-I already think of this for a week now-" pinutol ko siya agad.

"Then think more! Ano bang kagaguhan 'yan?!" Napahawak siya sa bedsheet ng kama nang sumigaw ako. Nakahawak na ngayon ang mga kamay ko sa beywang at tumingala ako. My tears are so close. What the fuck is she thinking?

Battle Of Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now