Huling Pasko by Beautifelle

196 18 16
                                    

[ COACH ] Mick
[ SONG | ARTIST ] Christmas Song | Owl City
[ WATTPAD WORD COUNT ] 1,347 words

Naririnig ko na ang mga karoling ng mga bata sa kalye, nalalanghap ko na ang malamig na simoy ng hangin, nakikita ko na ang mga kumukuti-kutitap na mga parol at Christmas lights. December na kasi, my favorite month. Buwan nang pagmamahalan at pagbibigayan. Damang-dama ko na ang essence ng pasko. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakatanggal ng pagod at problema. Para bang hinehele ka nito at pinapatulog. Tinutulungan ka nitong magpahinga, sa ilang buwan mong pagkapagod.

"Okay ka lang ba, Lana? Hindi ka ba giniginaw?" Napamulat ako ng mga mata sa tanong ni Lance.

Napangiti ako nang makita ang pag-aalala sa mga mata niya. Kaya hinawakan ko 'yong mga kamay niya at napatitig sa kaniya habang umiiling-iling.

"Hindi. Okay lang ako, Lance. Ang saya ko nga e, kasama kita ngayon. 'Yung tayong dalawa lang," huminga ako nang malalim bago ko ipinagpatuloy ang sinasabi ko. "9 days na kitang kasama ng buong-buo. Alam mo ba kung gaano ako kasaya sa bawat araw na kasama kita?" Mas lalong humigpit ang hawak ko sa mga kamay niya. "Sobrang saya ko. Hindi ko na nga naiisip 'yung mga bagay na maaaring mangyari sa susunod pang mga araw. Ang naiisip ko lang ay sobrang mahal kita. At sobrang nagpapasalamat ako sa 'yo dahil hindi mo ako iniwan sa kabila ng lahat, dahil minahal mo rin ako ng lubos. Salamat Lance, sa lahat-lahat."

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya't napayakap na rin ako sa kan'ya. Mahal na mahal ko 'tong lalaking 'to, hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kapag wala siya. Selfish na kung selfish, pero siya ang lakas ko. Ayokong mawala siya habang nilalabanan ko 'to.

"Hindi kita iiwan, Lana. Kasama mo ako hanggang sa huli. Mahal na mahal kita," bulong niya sa 'kin at hinalikan ako sa noo, sa ilong, at sa labi. Para kaming naging isa sa halik na iyon. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.

Humiwalay na kami sa isa’t-isa at nagsimula nang maglakad papunta sa simbahan. Huling araw na pala ngayon ng simbang gabi, magpapasko na mamaya. Excited na ako, matutupad na namin ni Lance ang mga pangako namin. Pangakong magsasama sa araw ng pasko. Pangakong kukompletuhin ang simbang gabi at sabay na hihiling kay God.

Naglalakad kami ni Lance nang magkahawak ang kamay, dahan-dahan, dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin. Maya-maya'y biglang umihip ang malakas na hangin at gininaw ako, pakiramdam ko tuloy ay kulang pa ang jacket na suot-suot ko.

Napatigil si Lance sa paglalakad at biglang nagsalita. "Sinabi mo kanina hindi ka giniginaw, tingnan mo ngayon namumutla ka na sa ginaw. Halika nga rito." Hinila niya ‘ko papalapit sa kaniya at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ulit. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko, ngunit mas naramdaman ko ang init na ibinibigay ng yakap na iyon sa katawan ko.

Ilang saglit pa ay humiwalay na siya sa 'kin at nilagyan ako ng scarf sa leeg. Tiningnan niya na ang kaniyang relo at ngumiti sa 'kin, "Halika na, magsisimula na ang misa. Ayokong mahuli tayo sa huling araw. Dapat kapag humarap tayo sa Kan'ya, walang flaws. Kasi hindi rin Siya nagkukulang sa 'tin, lalo na sa 'yo. Hindi ka Niya pinapabayaan," saad niya habang nakangiting nakatitig sa aking mga mata. Tumango na lang din ako at nginitian siya. Ang swerte ko sa kaniya, napakabait niyang tao.

"Love suffers long and is kind; love does not envy; love does not parade itself, is not puffed up; does not behave rudely, does not seek its own, is not provoked, thinks no evil; does not rejoice in iniquity, but rejoices in the truth; bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things."  Corinthians 13:4-7 (NKJV)

Naalala ko 'yung verse na ibinahagi no'ng pari kanina. "Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.Mahinang bulong ko. Ngunit narinig niya pala.

"Kaya nga tanggap ko na, Lana. Kasi mahal kita, at mahal ko si God. Malaki ang respeto ko sa kan’ya" Bulong din ni Lance.

Papauwi na kami ni Lance, kakatapos lang ng misa. Dahan-dahan kaming naglalakad. Ninanamnam ang bawat oras. Nagkukulitan at nag-aasaran. Masaya akong kasama siya sa bawat oras na lumilipas. Sana ganito na lang palagi.

Nakauwi na kami sa bahay. Ramdam ko na ang pagod at panghihina. Nasa terrace kami ni Lance. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Malapit nang magpasko. Ilang minuto na lang.

"Lana, pagod ka na ba? Magpahinga ka lang ha? Malapit na. Gusto mo bang kwentuhan na lang kita?" Saad ni Lance.

Tumango ako na lang ako, bilang pagsang-ayon.

"Once upon a time. I met a girl, named Lana. Hindi siya pangkaraniwan, naiiba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Naging kaklase ko siya noong kolehiyo. Napakabait at napakamakaDiyos niya. Kaya siguro nahulog ako sa kan'ya. Niligawan ko siya. Sinagot niya ako. Magli-limang taon na nga kami e. Mahal na mahal ko 'yong babaeng 'yon. Kaso inaagaw siya sa 'kin ni Luke." Napatigil siya pagsasalita. At naramdaman kong hinawakan niya iyong mga kamay ko.

"3 minutes na lang pala, Lana. Sabay nating sasalubungin ang Christmas. Sabay tayong hihiling dahil nakumpleto natin ang simbang gabi. Sabay natin Siyang pasasalamatan. Huwag ka munang bibitaw ha?" Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng boses niya, alam kong naiiyak na siya, kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mga kamay niya. Ayoko ng bitawan ang mga kamay na ‘to. Ang mga kamay na tumulong at umalaga sa ‘kin ng buong-buo. Hindi ko lubos isipin na ito na pala ang huling pasko na mahahawakan ko ang mga kamay na ‘to.

"Tuloy mo muna kwento mo. Gusto ko happy ending," saad ko na lang habang pinapakalma ang puso kong sobrang nasasaktan. Kagat-kagat ko na ang aking labi, para lang hindi maiyak. Ayokong ipakita sa kaniyang nanghihina na ako.

"Sige na nga," saad niyang muli at huminga ng malalim. "Lumaban 'yong babaeng mahal ko. Ayaw niya kay Luke, e. Mas mahal niya ako. Sabay naman naming nilabanan si Luke nang ilang taon. Hindi ko iniwan si Lana. Mahal na mahal ko iyon e, hindi ko siya kayang iwanan. Kahit na ako 'yong maaaring maiwan niya sa huli, hindi ko siya iniwan. Ipinaglaban ko siya kay Luke. Kaya lang malakas si Luke. Hindi niya pinakawalan si Lana ko. Hanggang sa ilang araw lang ang nakalipas, kinausap kami ng doctor. Na hindi na raw siya magtatagal. Na kaunting araw na lang raw ang itatagal ni niya." Naipikit ko na lang ang aking mga mata. At unti-unti nang hinayaang bumuhos ang aking mga luha. "Pero alam mo? Masaya ako para kay Lana. Kasi makakasama na niya si Jesus. Kasi may forever na siya. Kasi hindi na siya mahihirapan. May happy ending na siya. At sa huli nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon. Kasi pinaabot niya pa hanggang pasko si Lana. Ang bait-bait niya talaga. Kaya ipanapaubaya ko na sa kaniya ng lubos si Lana. Kasi alam kong tatapusin na niya ang paghihirap niya. The end." Matapos niyang sabihin ang salitang the end ay sabay na nagsilabasan sa kalangitan ang mga fireworks. Christmas na.

"Merry Christmas, Lana."

"Merry Christmas, Lance."

Sabay naming pagbati at niyakap ang isa't isa. Hinang-hina na ako, gusto ko ng magpahinga. Pero may gusto pa akong sabihin.

Habang magkayakap kami ay bigla akong nagsalita. "It's his birthday. Pasalamatan natin siya sa lahat. Kahit na binigyan niya ako ng sakit na leukemia, kahit na nararamdaman ko nang malapit na niya akong kunin. Magpasalamat pa rin tayo." Humiwalay ako sa pagkakayakap at hinalikan ko siya sa labi.

Naramdaman kong tumulo na ang luha niya. Sabay nang umaagos ang mga luha namin. Masakit, napakamasakit para sa 'kin na iwanan siyang mag-isa.

Bumitaw na siya. Tumingin siya ng deretso sa 'king mga mata. "Masayang-masaya akong nakilala kita, Lana. Sana kahit saan ka man mapunta, maging masaya ka. Alam ko namang makakasama mo na si Jesus, hindi ko na papatagalin. Lana, mahal na mahal kita." Saad niyang humahagulgol na.

“Mahal na mahal rin kita, Lance.”

Pinunasan ko na ang mga luha ko at ngumiti. Sumandal akong muli sa balikat niya at pinagmasdan ang kalangitan. Napakaganda nito at napapalibutan ng makukulay na paputok. Masaya akong napapikit ng mata. At bago ako makatulog ay narinig ko si Lance.

"Happy Anniversary, happy birthday, Merry Christmas. Sleep well my love."

Liriko 2: AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon