Heartbreaks for Christmas by ReadMyUsername

106 9 2
                                    

[ COACH ] Hope

[ SONG | ARTIST ] Winter Wonderland | Pentatonix

[ WATTPAD WORD COUNT ] 1,184 words

Sa bawat pagtunog ng christmas song ay nagpapaalala sa atin na nalalapit na ang pasko. Sa bawat taon na ipinagdidiriwang natin ang panahong ito inaasahan natin na may mga kasiya-siyang pangyayari nanaman ang magaganap. Na kahit iba-iba man ang estado natin sa buhay, ano man ang problemang ating kinakaharap, at magkakalayo man ang lugar hindi pa rin nawawala ang tunay na diwa ng pasko.

"Troy! Tama na ang pagkanta ng love song. Naririndi ang tenga ko, paskong pasko baka bumagyo." Pagpapatahimik ko kay Troy habang naglalakad. Ang hilig talaga niyang kumanta. Ewan ko ba sa best friend ko, kahit sintunado ang boses birit pa rin birit. 

"Sige na nga hindi na ako kakanta. Ito naman si Bes, kumakanta lang." Pagpapaliwanag naman niya. Loko kasi siya, alam niyang ayaw ko ng love song kasi bitter ako ngayong pasko dahil heartbroken ako tapos kakanta pa siya ng ganyan. 

"Kasi alam mo namang bitter ako ngayong pasko dahil nag-break kami ni Dylan nitong nakaraang araw lang diba?" Pinaliwanag ko sa kanya.

"Gusto lang naman kitang pasayahin kahit pangit boses ko. Ganito nalang, maglakad tayo banda doon ngayon sa may mga batang gumagawa ng snowman. Tapos gawa rin tayo ng sarili nating snowman para naman maaliw ka. Lagi ka nalang kasi nagkukulong sa kwarto mula nang nangyari 'yun." Sabi niya. Nararamdaman ko ang effort niya. Hindi talaga ako pinapabayaan ng lalaking ito at hindi ako nagkamali na siya ang naging best friend ko.

Naglalakad kami papunta sa mga batang gumagawa ng snowman, pinanood muna namin sila kung paano gumawa, tapos saka kami gumawa ng sarili naming snowman. Na-eenjoy kong gumawa sa totoo lang. Nagbabatuhan pa kami ni Troy ng snow habang gumagawa. Ang saya pala nito, kahit sobrang lamig at sa kabila ng kalungkutan na nararamdaman ko ngayon, pinaparamdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa ngayong pasko. May iba pa namang magandang gawin kaysa magmukmok sa loob kwarto at mag-drama sa mga bagay na hindi na muling maibabalik pa.

Nang malapit na kaming matapos, kinuha ko yung scarf na nakapalibot sa leeg ko at isinabit sa leeg ng snowman na ginawa namin ni Troy.

"Uy Bes! Bakit mo tinanggal yung scarf mo? Baka lamigin ka." Tinanggal niya ang scarf na nilagay ko sa palibot ng snowman at ipinalibot niya sa leeg ko. "Wag mo nang tatanggalin ha? Ako nalang ang magtatanggal ng scarf." Tinanggal niya ang scarf niya at iyon ang ipinalibot niya sa snowman. Napangiti ako sa ginawa niya, napaka-gentleman. Napabilib tuloy ako sa pagiging caring nitong lalaking ito.

Nang matapos na namin gawin yung snowman, kumuha siya ng dalawang mahabang tangkay ng puno at isinalpak sa magkabilang-gilid ng snowman. Tinanggal naman niya ang kanyang sumbrero at pansamantalang inilagay sa ulo nito. Ako naman ay gumawa ng tatlong itim na bilog sa dibdib ng snowman at naglagay ng facial expression sa mukha nito.

"Bakit ganyan ang mukha niya?" Tanong niya sa akin nang makita niya ang facial expression ng snowman na ginawa ko. Lumapit siya sa snowman at binago ito. "Ayan, ganyan dapat ang expression niya. Kasi pasko ngayon at dapat masaya sa kabila ng mga problema." Alam kong ako ang pinariringgan niya sa sinabi niya. "Kasi kapag malungkot ang snowman, ibigsabihin malungkot din ang gumawa nito. Minsan, ang mga ginagawa natin sa buhay ay naipapakita sa mga bagay na ginagawa natin. Kagaya ngayon." Dagdag pa niya. Tumahimik ako habang pinakikinggan ang bawat salitang sinasambit niya. Naisip ko na may punto rin siya kahit papaano.

Nang matapos na naming gawin 'yung snowman, lumapit siya sa akin at tinap ang ulo ko na tila parang bata. "Alam mo bes, wala ka namang dapat ikalungkot kasi una sa lahat hindi siya worth it. Maraming lalaki sa mundo. Wag mong ituon ang mundo mo sa isang tao na alam mong sinasaktan ka lang. Maraming dahilan para ngumiti, dahil maraming nagmamahal sa iyo." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya na  nakatingin lang sa snowman na ginawa namin. "Siguro hindi lang kayo ang para sa isa't-isa. Marami namang magkakagusto sa'yo na lalaki kasi maganda ka, mabait ka, sweet at caring. In short, kakaibabe ka. Kaso nga lang..." Napatigil siya sa sasabihin niya kaya naman napatingin ako sa kanya at nagtaka.

"Kaso ano?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

"Wala kang dibdib." Sabay titig niya sa ibang direksyon. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Grabe lang? First time kong nasabihan ng ganoon! Kaya naman..

"Adik ka! Bastos!" Pinaghahampas ko siya.

"Ang cute mo talaga pag naiinis. Kahit naman wala kang dibdib hindi kagaya ng ibang babae diyan, ikaw pa rin ang pinakamaganda at pinakamabait sa akin." Saka niya kinurot ng mahina ang pisngi ko.

"Adik ka ang sama mo! Bukod doon, ang galing mo pa mambola!" Sabi ko naman.

"Ehem.." Napatingin kami sa pinaggalingan ng boses na iyon. Isang matanda na nakabalot ang sarili sa makapal na jacket. At dahil dito napaayos naman kami ni Troy ng tayo.

"Kasal na ba kayo? Mag iho't-iha?" Tanong ng isang estrangherong matanda nang makalapit ito sa amin. Nagkatinginan kami ng sandali ni Troy at binalik ang tingin sa matanda at sinabing...

"HINDI PO!!" Saka kami nagtawanan.

"Pasensya na iho't hija. Akala ko kasi mag-asawa kayo, parang nakikita ko kasi na ang sweet niyo ngayong pasko, parang bagong kasal. Kadalasan kasi sa pasko nagkakaroon ng masasayang pagtitipon at naipapakita ang pagmamahal at pagbibigayan sa bawat isa lalo na sa pamilya." Sagot naman niya.

"Ano po ba pinanghuhugutan ninyo?" Tanong ni Troy sa matanda.

"Ah hijo, isa kasi akong pari." Halos mapanga-nga kami ni Troy sa narinig namin.

"Pero father," Sabi ni Troy, saka niya ako inakbayan. "Pwede naman po ninyo kaming hintayin balawang araw at kayo po ang magkakasal sa amin nitong kasama ko." Napanga-nga naman ako sa sinabi niya. Ano ba kasing pinagsasabi ng lalaking ito?

"Anong sinasabi mo dyan?" Tanong ko sa kanya saka lumayo. "Troy, itigil mo nga 'yan. Hindi magandang biro 'yan. Alam mo na ngang bitter ako, binabanggit mo pa yung kasal-kasal na 'yan. Lalo lang akong nasasaktan."

"Hija, may pinagdadaanan ka ba?" Tanong nung pari sa akin. "Kung ano man 'yan, kung sino man ang nakasakit sa iyo, patawarin mo. Dahil ang pagmamahal at pagkakaisa ang siyang dapat naghahari ngayong pasko." Sabi naman ni father. Para akong natauhan sa sinabi niya.

"Osiya, mauuna na ako ha? Mag-iingat kayo. Maligayang pasko." Paalam niya sa amin. 

"Osige po, Salamat po father." Sabi ko naman bilang pagpapaalam. Pinagmasdan lang namin si father hanggang sa makalayo siya sa aming kinatatayuan.

"Bes, alam mo na? Si father na mismo nagsabi. Sana nalinawan ka. Sabi ko nga kanina, marami kaming nagmamahal sa iyo. Wag kang mag-alala basta enjoyin mo lang ang pasko at ngiti lang." Saka niya tinapik ang likod ko. Nginitian ko lang siya bilang tugon. Hanggang sa nagyaya na siyang bumalik sa aming kanya-kanyang tahanan.

Habang naglalakad pabalik, napagtanto ko na wala akong dapat ipag-alala dahil una sa lahat may Diyos akong gumagabay sa akin. Pangalawa, hindi lang naman lovelife sa ibabaw ng lupa ang kailangan ko. Hindi man sa materyal na bagay, ngunit sa tunay at tapat na pagmamahal ng bawat isang tao na nakapalibot sa akin kagaya ngayon.  

Ika nga ni Troy, Wag kang mag-alala basta enjoyin mo lang ang pasko at ngiti lang.' 'yan ang huling tumatak sa isip ko ngayong pasko.

Liriko 2: AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon