THTL [TWENTY-EIGHT]

407 9 4
                                    

TWENTY-EIGHT. 

# Caleb's

"Umayos ka nga. Mukha kang pout eh."

"Bakit ba?! Eh nalulungkot ako eh. *pouts*"

"Tsss... Now I know kung bakit asar sa'yo ang bestfriend ko."

"Wow!!! Bestfriends kayo ni Kyle?!", bigla naman nyang hinatak yung braso ko kaya nagulo tuloy ako sa pagdadrive.

Oo nagdadrive ako. At bakit kami magkasama ngayon ng Nicol na'to? Nagkita kami sa Linear eh.

Naawa ako sakanya kasi hindi pa raw sya sanay bumyahe kaya ihatid ko nalang raw sya sa kanila.

Isa pa, mukhang may maghahatid na sa taong gusto kong ihatid. Naunahan ako eh.

Kanina, pagkatapos sabihin ni Sunny na break na raw sila nung pedo na 'yon... ang totoo, nagging masaya talaga ako. Naguguluhan ako kung bakit sinabi pa nya saakin pero naging sobrang saya ko. Hindi ko maintindihan pero parang bumalik yung feelings ko for her? Pero... alam kong iba na ang gusto ko talaga. Arghhhhhhhh!!!!!!! Nalilito talaga ako. Hindi ko na alam.

Kaya sa sobrang gulo ng utak ko, iniwan ko si Sunny sa Linear without saying a single word.

Tinawagan ko si Tiffany dahil gusto ko lang marinig yung boses nya. Alam kong makakalma ako pag narinig ko yun. Hehehe

Binanatan ko pa nga, kaso walang sinabi! Bigla nalang binaba! Grabe! Inisip ko ngang baka badtrip parin sya saakin. Kaya pinuntahan ko nalang sya sa org room ng Otaku.

Sakto namang lumabas sya. Kaso kasama si Kyle.

Sinundan ko sila. At ayun... Nakita ko nga, nag-usap sila... Nagyakapan pa nga.

At nakita ko nga itong si Nicol pagtalikod ko.

"Huy! Ano? Bestfriends kayo ni Kyle?", sabi nya sabay tulak saakin ng mahina.

"Oo betfriends kami. Sa pagkakaalam ko."

Bestfriends parin naman talaga kami diba? Kahit pa, halata namang iisang babae ang gusto namin, magkaibigan parin kami ni Kyle.

"Eh bakit ganun? Si Tiffany yung gusto nyo pareho? Hindi kayo magkagalit?"

I shrugged. Ewan ko. Ano bang iniisip ni Kyle? Baka galit yun. Nililigawan nya si Fany eh.

Ako? Hindi ko rin alam. Kung magalit ako o magselos, wala sa lugar diba? Tssss...

Naputol naman yung pag-iisip ko nang magsalita yung brat na kasama ko.

"Alam mo, kasama ko si Kyle kanina eh.", lumungkot naman yung boses nya.

"Eh bakit sila na ni Fany yung magkasama kanina?", tssss... Bakit nga ba kasi?! Kaya ba ayaw nyang magdate kami kasi sila ni Kyle yung magdedate?!

The Hunk and The Loud (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon