THTL [TWENTY-THREE]

444 12 0
                                    

TWENTY-THREE. 

# Fany's

"Saan naman tayo pupunta mom?", tanong ko sa nanay kong mukhang excited na excited.

"Sa perya sa may bayan!"

O__________O 

errrr... Perya? Sa may bayan? Di ba pwedeng sa isang amusement park nalang? Well, wala naman ata nun dito... Siguro pwede na'din yung perya. Hahaha! Ang arte much ko naman!! Sorry! :D

"Pero mamayang 6pm pa naman tayo aalis. Kaya after this, swimming muna tayo!", tapos umalis na sila ni Tita. (a/n: whaaaa! Hindi ko na maalala po yung pangalan nung nanay ni Caleb! Sorry nemern...)

Hala! Hindi pa nga pala kami nakakapag swimming ah. E kasi naman ang landi ni Caleb! -_______-

Speaking of... Kanina pa nya ako kinukulit! Muntikan pang kagatin yung kamay ko. Ano ba 'yun?! Mukha ba akong pagkain???

Tas nung hinampas ko naman sya, hala?! Nagpout daw ba??? Feeling nya bagay e!

*poke poke poke*

-________________-

"Bakit?"

"Anong iniisip mo?"

"Wala ka na dun.", pagtataray ko. Eeeee kasi naman! Mula nung maging okay kami naging parang isip bata na'tong si Caleb! Grabe lang talaga...

"Talaga? E baka ako yung iniisip mo ha?"

Nung tignan ko naman sya, nag-wink pa ang mokong! At nag-wiwiggle pa yung eyebrows nya! Aba! Ano sya? Sinuswerte?!! Bakit ko naman sya iisipin aber?! Feeler much. O/////O

"Sabi na e! Alam ko naman e! Hahaha! Okay lang yan! Iniisip din naman kita~"

Napatingin na naman ako sa kanya sa sinabi nya. Pero bago pa man ako makapag-react...

"Ehhhhhhh... Kasi diba? Dugyutin ka dati? He...he...he"

Tapos yumuko naman sya na parang nahihiya? Hala? Pero ano?! Dugyutin na naman??! Tssss... Tsaka bakit ba sya ganyan? Dahil ba dun sa... Iniisip nya... Din... Ako?

O//////////O

Teka! Sya lang naman nag-iisip sa'kin noh! Hindi ko sya iniisip kaya! Sus...

Errrr... Hindi talaga swear!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagmiming nga kami after nung lamon.

Syempre, dahil ako'y conservative ng kaunti kaya ang suot ko ay two piece swimsuit na light blue ang color pero may patong akong see-through na black ang kaso kasi nakakailang padin kaya!

Sina Jessica naman ayun, gaya-gaya sila sa'kin! Hahaha at sina Jerica at Antonette, nakashorts at may nakapatong na t-shirt.

Conservative! Whaaaaa...

Nung okay na kaming lahat, lumabas na kami.

3 mahigit nadin kasi kaya may araw padin pero di na masyadong mainit.

Paglabas naman namin, yung elders- si mommy, tita, tito, si manang, si kuyang driver, ay busy sa mga kanya-kanyang gawain.

Yung boys naman...

<_____<

Nandun malapit sa dagat. Naglalaro sila ng volleyball. Lahat sila naka-board shorts.

Si Caleb yung una kong napansin... Errrr... Ang hawt nya e! >_<

Oy! Tiffany! Kaibigan mo yan! Wag kang talandi!

The Hunk and The Loud (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon