1

107 1 0
                                    


Nagkakagulo sa harap ng Third Wheel Clubroom ang mga usisero't usisera ngayon kasi may dalawang members na nagaaway.

Grabe naman oh. Kagagaling ko lang sa Physics class namin tas isang awayan pa ang maaabutan ko?

Hindi pa nagproprocess yung formulas sa ulo. Ughh...

"Gabby. Si Misha at Den nag aaway sa loob. Patigilin mo sila please." Sabi sakin ni Anne. Siya naman ang secretary ng club.

"Asan yung magaling nateng presidente at ba't Di siya ang magayos niyan?"

Wala naman talagang ginagawa yung president ng club na to. Lagi na lang ako. Dapat talaga ako na ang maging president para ako na ang may control sa club. Kung hindi lang siya ang anak ng principal hindi sana siya nasa club namin.

Sa St. Lastica Academy, iba ang palakaraan sa extra curricular activities dito. Pinapayagan kaming gumawa ng sariling club. Basta may 30 members kayo.

Ang kwento sakin 29 members lang ang nahatak ng acting leader nila noon. Niyaya lang nila yung anak ng principal na sumali para kumpleto na. Pero may kapalit.

Kailangan siya yung maging president.

"Alam mo namang for sure tulog na naman yun some where." Pinilit uli ako ni Anne para ayusin yung away sa loob.

"Ay nako, konti na lang at mauubos na ang pasenya ko dyan Kay Lora. Sige na nga, tabi at papasok ako."

Sobrang daming tao. Pano naman kaya ako makakadaan?! Ugggh...

"HOY TABIII ALIS SA DAAAAAAAN KUNG HINDI TATADYAKIN KO KAYO!!!"  Biglang sumigaw si Anne nang napakalakas.

Napatigil lahat nung tao. Tapos nag-ala-crossing of the red sea kami ni Anne kasi diretso naghati ung linya nung dumaan kami. Hahahaha.

Nice Anne. Nice. Nice.

Basta sa palakasan ng boses, si Anne ang pambato namin dyan.

"PWEDE BA DEN SAKIN SI JOHN LOID! AKO ANG GIRLFRIEND NIYA!"

"GIRLFRIEND?! EXCUSE ME PERO NILILIGAWAN NIYA AKO NGAYON AT SASAGUTIN KO NA SIYA MAMAYA!"

"AT SA TINGIN MO PAPAYAG AKO DYAN HA??"

"MISHA MOVE ON, PAST IS PAST. BAKA NAGSAWA NA SI JOHN LOID SAYO!"

"AHH GANON HA..."

Nag start na si lang magsabunutan. My gosh. Lalaki lang pala ang pinagaawayan ng mga babaitang to. God. Ugh.

Teka sandali....lalaki ang pinagaawayan?

"Tumigil nga kayo!" Kinalas namin si lang dalawa palayo sa isa' t isa.

"Gabby!" Sabay ni lang sinigaw. Ngayon lang ata nagsisink in sa kanila na nandito lang ako. Putek.

Tumayo sila ng tuwid sa harap ko at mukhang takot sa pwede Kong gawin sakanila. Pwede ko lang naman sila tanggalin sa club at magiging club less na sila.

Hindi magandang maging clubless. I big sabihin kasama ka na sa clean up crew.

Lahat ng walang club ay kailangang maglinis sa buong school everyday.

The Third Wheel ClubWhere stories live. Discover now