11

26 0 0
                                    

ANNE'S POV

Hmmm..

Ano kayang pwedeng gawin?? Besides titigan tong couple na binabantayan ko pa? Ughhh.

Bakit ba kasi ako pumayag na kunin pati ung weekend schedule ng pagiging third wheel?

Oh right. Sabi nga pala ni Gabby kapag kinuha ko na rin tong weekend schedule mas mabilis akong ma-propromote bilang senior Third Wheel Club member!

Wow. Can't wait for that to happen!

Excited na ako.

"Anne, samahan mo nga muna ako sa baba." Bigla akong kinalabit ni Aly.

Buti naman at hindi na sila naglalandian masyado sa harap ko. Konti na lang at ako na mismo matutunaw sa tinginan nila.

"Sus. Bakit ako pa? Nahiya ka pa, pwede naman si Nicole dito oh."

Torpe parin hanggang ngayon itong si Aly na. Bigla ba naman akong hinila palabas pagkatapos ngitian ung girlfriend niya.

"So, talagang iiwanan mo GF mo dun? Pano kapag may nanligaw bigla dun?"

"Eto naman, sandali to. May sasabihin lang sana ako sayo at kailangan ko ang sagot mo."

Parang kinakabahan pa to ha.

Sagot ko??

Hala baka.....MAGCOCONFESS SIYA SAKIN!? Hala!?!? Pano si Nicole!?!?

"Uhhh..."

May nilabas siya sa bulsa niya at saka pinakita sakin.

"Gusto ko malaman kung p--"

"Propose!? Sakin!? Pano si Ni--"

Bigla niyang tinakpan ung bibig ko. Nako naman. Eto nga ang sinasabi ko. Gusto pa ata niyang patago ang magiging relationship namin.

Hayy. Ang hirap talagang maging maganda.

"Anne. Makinig ka." Huminga siya ng malalim.

"Aly..." Tinapat ko ung palad ko sa mukha niya para tumigil muna. "...I'm sorry pero hindi ko kayang lokohin si Nicole. Atsaka may manliligaw kaya ako. Si Jacq. Kilala mo ba yun? Atleast siya walang GF kaya sure ako hindi niya ako masasaktan eh ikaw, balak mo ata kaming pagsabayin eh. Pano na yun? Kaya mo ba kaming panindigan pareho?"

Tinitigan lang ako ni Aly na para bang nakapatay ako ng tao.

Hala. Masyado ko atang nabigla. Pero mas maganda na rin na maaga na sabihin kong wala akong feelings sakanya para di na siya maghabol.

Ano ba kasi yan... Andami ko naman kasi naaakit!

GABBY'S POV

"Hay feelingera!" Bigla akong nakaramdam ng kakaibang feeling.

At parang may konek kay Anne yun. Ano nanaman ang kalokohan napasukan niya at bigla akong nasabi ang feelingera. Wow, may BFF senses ka na rin pala.

"Gising ka na pala."

Automatic biglang nagala-karate mode ung may kamay ko dun sa nagsalita.

"Ano bang kinakain mo para bumigat ka ng ganyan ha?" Bigla siyang nagstreching ng kamay niya. Para bang nabagsakan ng isang malaking bagay.

"Anong nangyari sayo? At bakit napunta sa kinakain ko ung usapan."

Tumawa siya.

Teka nasan ba yun? Tumalikod lang ako bigla nawala na.

"Unang una sa lahat, wag mo nang alamin kung anong nangyari satin--i mean sayo kasi baka di makaya ng pride mo..."

Bigla nagsara ung ref sa likod ko.

The Third Wheel ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon