kabanata 29

172 22 1
                                    

Sinandal ko ang likod ko sa Pader. Ramdam ko ang malamig na semento sa ulo ko. Napapikit ako nang mamuo ang luha sa mga mata ko.

Nilingon ko si David sa likod ng isang glass wall. Malaya ko syang nakita doon pero hindi ko sya magawang hawakan. Lalo akong nasasaktan tuwing lumilipas ang araw, na wala akong magawa kundi panoorin sya.

"Khaning, Lincoln is calling" I heard KC's voice from my back.

Nilingon ko naman sya. Hawak nya ang isang cellphone na inaabot nya sakin.

"Tell him. I-i am okay. He don't need to worry." malumanay na saad ko. Mabigat ang mga mata ko ng kausapin ko sya.

Naglakad ako papunta sa upuan malapit sa kay David. Clement let me use the other room here. Doon ako natutulog pero madalas akong nasa harap ng kwarto ni David. Hindi ko magawang lumayo sa kanya.

"Khaning." Naglakad papalapit saakin si KC. "He really want to talk to you."

I sigh. "just tell him-"

"Nasa bahay mo sya. Kasama nya sila Tita at Tito. They're all worried about you." Bakas ang pagkalungkot sa mukha ni KC.

Kinuha ko naman ang cellphone na inabot nya. I didn't bothered to use my own phone after reading David's last messages.

"K-kuya" Pilit kong Inayos ang boses ko nang magsalita ako.

'Khaning'

Bakas ang pagkataranta ng boses ni Lincoln. Ngayon ko nalang ulit 'yon narinig simula ng pumunta ako dito sa Baler.

"Kuya. N-nakauwi ka na daw pala?" I manage to make my voice whole. It can be crack in no time. "Nasan sila mama?-"

'Khaning. I heard what happened.. How are you? Balak namin sumabay kay Risimei mamaya-'

"Ma, no need na." I bite my lower lip to prevent sobbing. "I'm okay here. K-kasama ko sila KC.... Just rest there"

'How could I rest knowing you aren't fine!?' Nilayo ko ang cellphone sa tainga ko nang biglang lumakas ang boses nya.

Tumingala ako upang pahintuin ang luha na nag babadyang pumatak. Tinakpan ko ang speaker ng cellphone. Para hindi nya marinig ang pagkahigbi ko.

"M-ma. Hindi pa sya gumigising ih." I sob. "O-okay lang ako. Wag mo na akong aalalahanin. Si papa okay lang ba sya?"

I heard whispering in the other line. Nilingon ko si KC, na nakangusong nanood sakin.

"M-ma." I called. "Ma. Okay lang ba si papa?"

'We are fine here. Inasikaso lang namin yung bagong bahay ni Lincoln. He want to look for you.' Ramdam ko ang mabibigat na paghinga ni mama.

"M-ma I am really good" Paninigurado ko sa ina ko. "No need for that-"

'Your papa will be there in no time——'

"Mama. Okay lang talaga ako. Tsaka, bakit mo pa pinabyahe si papa?" Mabilis na saad ko.

'His plane landed already. His at DIA now. Waiting for you'

Namilog ang mata ko sa sinabi ng nanay ko. Shit. Dad travelled alone. Dapat sinamahan manlang sya ni kuya.

"Ma. I told you I'm fine. Dapat hindi mo na pinapunta si papa dito." I sigh. Nilingon ko si KC na nakadungaw sa silid ni David.

'Hurry. Go with him' Utos ni mama.

I sigh. "Okay. I'll ask KC to look for David first. Ikaw talaga ma" Saad ko bago ko patayin ang tawag.

Tumayo ako para lumapit kay KC. I grab my bag. Eto yung pinaglalagyan ko ng mga importanteng bagay para hindi ko malimutan habang nandito ako sa hospital.

Limerence: Untold Story Of Tears (BS2)Där berättelser lever. Upptäck nu