Bobo at Panget Daw Ako

148K 4.5K 1.5K
                                    

“Ano naman kasing sinabi mo sa kanya? Ha?”

Nakayuko pa ako nun at hindi ko maipakita ang mukha ko. Hiyang-hiya ako at inis na inis na rin ako sa nangyari.

“S-sabi ko, kapag hindi niya ako pinakopya ng sagot,” mahinang paliwanag ko naman sa kaibigan ko, “eh hindi ko na siya crush.”

Malakas na paghampas sa ulo ko ang ginawa ni Angela. Nagulo pa yung buhok ko sa paghampas niya.

“Eh gaga ka naman pala! Ikaw na nga lang mangongopa, nagmamalaki ka pa?” madiin na pagkakasabi niya sa akin, “Ano namang sinagot niya?”

“A-ano eh..” umiyak ako ng pagkalakas-lakas na parang batang gustong maglumpasay doon, “S-sabi niya ayaw daw niya sa mga babaeng bobo na nga, panget pa!” nagmalungkot ako doon kay Angela, “Pinagsigawan pa niya sa lahat!”

Isa na siguro iyon sa pinakasinusumpang araw ko nung high school ako. Yun ay yung napahiya talaga ako doon sa crush ko. Si Vincent Marasigan. Running valedictorian namin.

Sino ba namang hindi magkakagusto doon? Gwapo na nga, matalino pa. Yun nga lang, medyo may pagkamayabang. Parang may phobia yata sa mga babaeng hindi matalino. Tapos ako, talagang turn down agad. Crush mo na nga, pinahiya ka pa sa lahat.

Narinig mo na ba yung laging sinasabi ng mga hopeless romantics? Yung, “Hindi ba pwedeng mahal mo ko, mahal kita, at bahala na lang sila?” Ang saya sana kung ganun kadali eh no? Kaso minsan kahit anong hiling mo na ganun dapat ang mangyari eh hindi mangyari-yari.  Mas madalas na lumalabas na sitwasyon eh, “Mahal kita, mahal mo siya, at siya naman eh may mahal na iba.”

Nakakainis lang ‘di ba? Kasi malamang lang yang si Vincent, may nagugustuhan na yan na babae na matalino eh. Hindi lang umaamin.

Ewan ko ba kung bakit nago-OA ako dito mag-isa. May pa mahal-mahal pa akong nalalaman eh alam ko naman na crush ko lang naman yung bwiset na Vincent na iyon. Sinayang ko lang ang tatlong taon at kalahati na pagpapapansin ko sa kanya. Sinungitan na nga ako, tinawag pa ako na bobo at panget! Kapal talaga.

Eto pa ang masaklap. Nung sumunod na araw nung mangyari yung pamamahiya niya sa akin eh malaman-laman ko lang na nai-YouTube pa ng kung sino yung pagpapahiya sa akin ni Vincent. Naging katatawanan pa tuloy ako lalo sa school. Ako na ang tinaguriang panget at bobong babae ng school—instant stardom.

Nung makita ko na kumakalat yun matapos mai-send sa akin yung link, inaksyunan ko na kaagad. Sinugod ko si Vincent. Malamang lang, siya naman ang may kasalanan nun. Ipahiya ba naman ako.

“Hoy Vincent!” itinulak ko naman siya ng malakas kaya nagulat naman siya, “Bawiin mo! Bawiin mo yung sinabi mo sa akin kahapon!”

Mukhang nagtataka naman siya sa akin. Tinignan lang niya ako tapos dumiretso na siya uli ng lakad. Aba, hindi pa ako pinansin?

Itinulak ko uli siya sa likod niya.

“Sabi ko, bawiin mo! Hindi ako bobo at hindi ako panget! Yabang mo ah! Porke ba…” tinignan ko naman siya nun mula ulo hanggang paa. Nakatitig lang siya sa akin kaya nawawala naman ako sa sarili ko, “pogi at matalino ka… magyayabang ka na?”

Lumapit naman siya sa akin. Humawak siya sa baba ko pero para asarin lang ako.

“Eh kung ayaw kong bawiin? Anong gagawin mo?”

Oo nga naman.  Ano nga namang gagawin ko kapag hindi niya binawi ‘di ba? Parang wala namang mangyayari sa kanya.

Nagdire-diretso na siya uli ng lakad. Ako naman eh hindi ko na siya hinabol. Hindi ko alam kung ano ba itong pumasok sa isip ko na sugurin siya. Tanga nga yata talaga ako.

Bobo at Panget Daw AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon