II-The Leading Man

158 7 25
                                    

                 The Leading Man

  "Shit ka talaga Lorenzo! How many times ba kitang pagsasabihan na hindi ka pwedeng basta-basta na lang maghasik ng lagim? Hoy, makinig ka! "

   Naiinis na tinanggal ni Lancer ang mga earphones na nakapasak sa kanyang tenga at saka napakamot  na lang ng ulo.

  Siya ay kasalukuyang nasa kanyang condo unit at naglalaro ng dotA. Sa kasalukuyan ay namimili pa lamang sila ng kanyang handler kung ano ang gusto nilang tanggapin na project upang makapalit ng kakatapos lang na teleseryeng kanyang ginawa. May isang taon pa bago mapaso ang kanyang kontrata sa kanyang mother network ngunit pinag-iisipan na ng kanyang manager na lumipat sa katapat nitong istasyon.Triple ang offer at magagandang projects din ang nakalaan sa kanya kabilang ang isang recording contract kaya't di kataka-taka kung halos hilain na ng mga humahawak sa kanya ang mga araw upang makalipat na ng tuluyan sa kabilang bakod.

  "Fudge naman, oras ko ng laro ngayon.Sa ibang araw mo na ibuhos yang mga sermon mo sa akin, tutal,halos plakado na naman yang mga sinasabi mo eh."

  Napasuklay na lang sa buhok nitong kulay blonde ang naiirita niya na ring handler na si Fudge.Kasama niya na ito mula pa ng nagsisimula pa lang siyang mag-modelo at itinuturing niyang big brother-sister na laging maaasahan sa kahit anong bagay.He was nineteen when someone discovered him from the underwear print ad that he did.It was not intentional though dahil napilitan lang siyang gawin ang dare ng mga kaklase niya sa DLSU na nakatalo niya sa paglalaro ng dotA. Kung tutuusin ay hindi niya na kailangan pang pumasok sa magulong mundo ng showbiz dahil nakaririwasa ang kanilang pamilya,bukod pa sa tapos siya ng kursong Civil Engineering, but from the moment na unang tumapak siya sa limelight , he knew that he had a big place  in there. Bukod sa mabilis ang pasok ng pera, he gets to enjoy the perks like free things na binibigay ng bawat produktong ini-endorse niya from aparrels  to gadgets as well as exclusive invites to the coolest hang-outs in town. Higit sa lahat, araw-araw ay nakakakilala siya ng magagandang dilag,most of them from showbiz na very willing "makipaglaro" sa kanya.

  Playboy. Casanova.Heartbreaker. Lahat na ata ng pwedeng i-label sa kanya na may kinalaman sa pagiging "friendly " niya sa mga babae ay ikinabit na sa kanya.Sa dami ng mga Ebang dumaan sa kanyang palad ay wala siya ni isang sineryoso, puro no-strings attached and one-shot relationship na pawang pisikal lang. Pumapayag naman ang mga iyon sa kanyang kondisyon at kung sakaling magsimula ng makalimot ang mga ito to the point of being possessive, agad-agad tapos ang kanilang "laro".

Tinitigan niya ng mataman ang kanyang handler-cum adviser na nagsimulang magpaikot-ikot sa kanyang kwarto . Mas pinoproblema pa ata nito kaysa sa kanya ang bawat kasiraang ibinabato sa kanyang pangalan.Not that he doesn't care pero ang prinsipyo niya kasi, at the end of the day ay siya pa rin ang mas nakakakilala sa sarili niya at alam niyang kahit kailan ay wala siyang inagrabyado o tinapakang iba,on or off screen.

It has been five years since he entered showbiz and maraming uri na rin ng tao siyang nakilala. Karamihan ay pawang nakamaskara lang kapag nasa harap ng lente pero meron din namang mga taong sinsero at handang dumamay sa kanyang mga hung ups sa buhay tulad ng isang Fulgencio Natividad o Fudge. Although miyembro ito ng third sex ay hindi siya nahihiyang aminin na sa showbiz, bukod kay Steven Yoon na isa ring aktor tulad niya ay ito ang kanyang pinakamatalik na kaibigan.Tinatawanan na nga lang nila noon ang tsismis na naging lover siya nito dahil nga sa sobrang closeness nila na ultimo duplicate ng susi ng tirahan ng isa't isa ay mayroon sila .


  "My God, Lorenzo utang na loob, lubayan mo muna yang dotA na yan! Hindi makakatulong sa career mo na habang kaliwa't kanan ang tsismis ng mga nabubuntis mo ay sige ka lang sa paglalaro niyan.Mag-usap tayo ng maayos! "

MY NANNY GIRLWhere stories live. Discover now