IV- WOMAN'S INSTINCT

79 3 2
                                    

"Ahm, well, happy naman kaso...."

"Kaso? "

Naghintay ng kasunod na dialogue mula sa kanyang nobyo si Geena. Kasalukuyang nagdi-dinner sila sa isang medyo may kamahalang restaurant at nagsisimula na rin siyang kabahan. Woman's intuition.

Mula sa pagtikim ng appetizer soup na nasa table ay nakapangalumbabang tinitigan ni Geena si Xander.

Gwapo ang kanyang nobyo at proud na proud siyang sabihin sa buong mundo na ito na talaga ang makakasama niya habambuhay. It's been seven long years since nang magkakilala sila sa Talatala National High School kung saan sila kapwa nag-aral noon. Xander was a campus jock back then while she on the other hand, was the multi-times beauty titlist. Lagi kasi siyang muse noon sa bawat section na pinupuntahan niya mula pa noong grade school. Lahat na 'ata ng may title na Miss like Miss Talatala Queen National High School to Binibining Agham Pulangbato National Elementary School ay sinabakan niya, thanks to her very supportive classmates,teachers and overprotective stage mother. Hinding-hindi niya makakalimutan kung paano ginagapang ng nanay niya ang bawat gowns at sportswear na ipinangrarampa niya tuwing pageant. Frustrated beauty queen daw kasi ang Nanay niya noong dalaga pa ito, according to her late doting father.

"G-Geena...I-I..." ang di-mapakaling tugon nito. Pasimple pa niyong idinampi ang puting panyo sa mukha.

" Ano bang problema mo? May sakit ka ba o nakapatay o ano?!" ang iritableng gagad niya sa nobyo. Bahagyang napalakas ang kanyang tinig kaya't napatingin ang iba pang customers sa mesa nila. Ilang minuto pang pagpapaliguy-ligoy ng binata, talagang iiwan niya ito roon.

Maya-maya'y may kinapa itong kung ano sa kanang bulsa ng black pants nito at saka may kung anong inilapag sa mesa. Isa iyong red velvet na kahita sa labis niyang pagtataka.

"Baby...Ahm Geena. I know you know what-"

" Teka, teka! Anong meron at may ganyan ka na namang paandar? Irire-enact uli 'yung engagement proposal mo? Infinity ring? " ang sunud-sunod na pagtatanong niya rito habang hindi iniaalis ang tingin sa kahita. Medyo maykaya na ngayon ang pamilya ni Xander kumpara noong highschool days, thanks sa ama nitong umasenso sa pag-aabroad. Bukod pa roon, highly-paid junior accountant na ang kasintahan sa isang kilalang advertising agency kaya't hindi na siya nagtataka kung makabili man ito ng kahit sampung mamahaling singsing. Ang ikinakukulili ng kanyang utak ay kung para saan iyon-na tila ayaw niya nang malaman pa. Tiyak niya kasing hindi niya magugustuhan ang magiging sagot nito sa itatanong niya.

"This..." Nang mag-angat siya ng tingin ay nakayuko na ito at tila hiyang-hiya.

"... is for someone else."

Nanigas ang panga ni Geena sa narinig. Anong ibig nitong sabihin na para sa iba ang panibagong singsing? Nababaliw na ba ito at kung anu-ano na ang trip nito sa buhay?

" Gee-"

" Joke 'to Xander, 'di ba?"

"I'm sorry."

"Hindi 'yan totoo!" Hindi na umimik ang kanyang nobyo.

" Pitong taon..." Hindi na napigilan ni Geena ang pagnunubig ng kanyang mga mata. " Si-Sisirain mo ang pitong taon natin na ganun-ganun lang? Ano 'to? Another kwento na nakabuntis si boyfriend ng iba at kailangan niyang panagutan ang hitad at itatapong parang basahan si girlfriend?!"

"You've almost hit it." Ipinasok muli ni Xander ang kahita sa bulsa ng pants nito at saka eksaheradong bumuga ng hangin. Umasa pa rin siyang may mali sa mga nangyayari ngunit sa sinabi nito ay para siyang pinompiyang sa magkabilang pandinig.

"A-Ano kamo?! " ang sa wakas ay naibulalas niya matapos ang ilang segundong pagkatigagal.

" Na-Napikot ako. I was so drunk that night and things went out of my hands. Believe me, Babe. Urielle seduced me. You know, 'yung isang commercial model na ikinukwento ko sa'yong gagawa ng sanitary pad tvc na produce namin. I...I didn't know that...that she has that, uh, thing for me."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY NANNY GIRLWhere stories live. Discover now