Chapter 38

220 9 6
                                    

Nagtuloy ang usapan at tawanan sa hapag.

"Naalala niyo ba noong si Chase at Ara pa—" Ten was cut off when Jan almost choked on her drink.

"Naging kayo??", gulat na tanong ni Jan.

"Oo, noong highschool," ani Ara.

"Wow," halata ang pagkamangha ni Jan.

"As I was saying, naalala niyo ba noon, nung nagvacation tayo," tinuloy ni Ten ang sinasabi.

"Oo nga eh, tagal na nun!," ani Gil.

"Oo bro, gurang ka na ngayon matakaw ka parin," ani Yam.

"Oh edi wala kang libre sa bars at restaurants ko," mabilis at kaswal na sagot pabalik ni Gil at mukhang pumutla naman si Yam.

"Eto naman! Di mabiro!," ani Yam.

"Alam mo ikaw Yam, ikaw ng heridero sa lahat ng yaman ng pamilya mo pero kuripot ka parin noh?," ani Hart.

"Ang tawag doon tol, diskarte," ani Yam tinuro pa ang gilid ng noo gamit ang hintuturo.

The rest sighed with the normal bickering of their friends.

Kahit naman nagkakatuwaan, there's still something going on in Chase's mind.

Mukhang hindi mapakali ang mga iniisip niya, nagkakabuhol buhol.

Natigil naman ang kanilang masanyang paguusap noong tumunog ang telepono.

"Kanino?", tanong ni Mark.

They all checked their phones.

"Not mine,"

"Di rin sakin,"

"Nope,"

"Alaws,"

"It's mine," ani Chase after fishing his phone from his pocket.

Tinignan niya muna si Ara na tila ba senyales na aalis muna siya at tinanguan naman siya ni Ara bilang tugon.

"Excuse me," ani niya sa mga kaibigan bago lumayo ng kaunti sa mga kasama at sinagot ang telepono.

"Tito?", sagot ni Chase sa kanyang telepono after excusing himself from his friends.

"Chase, bukas ang punta ko diyan," ani Theodore.

"Tito, hindi ka pa magaling, nasabi ko naman na hindi ka makakadalo dahil sa kalagayan mo," Chase said.

"Hay nako hijo, nakakatamad maging matanda, just send my regards okay? I'm good friends with the Asuncions," ani Theodore kay Chase.

"Alright tito," anito.

"Kamusta na hijo?," tanong naman sakanya nito, changing the topic. Chase sighed a little, sabi na nga ba, may gusto malaman ang kanyang tito Ted kaya ito tumawag, typical tito Ted.

"I-I'm okay," sagot nito.

Tumawa naman si Theodore sa kabilang linya.

"The last person you want to lie to is me, kilala na kita Chase, your change of heart, your impromptu decisions, kamusta na?",  tanong sakanya.

Chase let out a loud sigh before answering to Theodore's query.

"Hindi ko po talaga alam, paano kung malaman niya? Malaman nila?", tanong naman ni Chase.

1st Thorn: End Of Conversation (TTGN Book 3)Where stories live. Discover now