CHAPTER 14

722K 16.6K 1.7K
                                    

CHAPTER 14

PAGKAGISING ni Lockett kinabukasan, tulog pa rin si Creed. Lumabas siya ng penthouse at nagtungo sa Sea Breeze Restaurant na nagsi-serve ng breakfast.

Pagpasok niya sa nasabing restaurant, agad na nakita niya si Reeve na nakaupo sa pandalawahang mesa na nasa may terrace at mula roon ay kitang-kita ang malawak na karagatan na napakagandang pagmasdan.

"Hey, Reeve." Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi nito. "Good morning."

"Good morning to you too, Lockett." Nakangiting wika ni Reeve ng balingan siya. "Ang aga mo yatang magising. I was expecting that you'll be late."

Inirapan niya ito. "Late na nga ako sa usapan natin. You said to meet you here at exactly five A.M."

Reeve half smiled. "Lockett, it’s just five-thirty in the morning. Maaga pa ito para sa'yo. Akala ko mga seven ka pa darating."

Inirapan na naman niya ito. "So? Eh sa maaga akong nagising e."

"Okay." Natatawang wika nito at ibinalik ang tingin sa karagatan. "Ang ganda ng sunrise no? It’s breathtaking."

Dumako ang tingin niya sa papataas na araw. "Yeah. Maganda nga." Ibinalik niya ang tingin kay Reeve. "Anyway, ano ang pag-uusapan natin tungkol sa isla?"

Nang marinig ang tanong niya, ibinalik nito ang atensiyon sa kanya. "About the Island? Well, Mr. Santillana called me yesterday, nakita mo iyong katatapos palang na gusali katabi ng De Luxe Hotel?"

Tumango siya. "Yeah."

"Well, that building is going to be a hotel. Pagmamay-ari rin naman iyon ni Mr. Santillana at ima-manage iyon ng anak niyang lalaki. Gustong ipakausap sa akin ni Mr. Santillana na sana turuan mo o kaya naman ay gabayan mo ang anak niya sa pamamahala ng Hotel."

Nag-isang linya ang kilay niya sa narinig. "You've got to be kidding me."

Reeve's eyes widen in confusion. "Hmm? You know Mr. Santillana's son?"

"Yeah." She said dryly. "And he happens to be a friend of mine."

"Oh."

Nawalan sila pareho ng imik ni Reeve. Binasag ang katahimikang iyon ng boses ni Creed.

"Hey, Lockett." Anang boses ni Creed mula sa likuran niya. "Bakit ang aga mong magising." Anito sabay halik sa labi niya na ikinagulat niya.

Tumikhim si Reeve at nanunudyong tumingin sa kanya. "A friend? Nice."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Kaibigan ko lang siya. Diba, Creed?" Aniya sabay lingon sa binata na nakaupo sa katabi niyang upuan.

"No, hindi tayo magkaibigan." Sagot nito at inakbayan siya. "Hindi ba ayaw mo akong maging kaibihan?"

Nakita niyang ngumiti ng malapad si Reeve. Nanunudyo ang kislap ng mga mata nito. "Hmm." Tumayo ito at namulsa. "Anyway, aalis na ako. Pupuntahan ko pa si Clave. Enjoy, you two." He winked at her before leaving.

Nang makaalis si Reeve, tiningnan niya ng masama si Creed. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin, ha? Kasi naguguluhan na talaga ako. You want to be my friend, okay, let’s be friends." She breaths exasperatedly. "Magkaibigan na tayo, bakit ba tinanggi mo pa kanina? Ano nalang ang iisipin ni Reeve? Na sinungaling ako?"

Dumilim ang mukha nito. "Ano naman ang pakialam ko sa iisipin ng lalaking 'yon? And why are you bothered of what he will think of you? Is he important to you? Yun ba? May nararamdaman ka pa ba para sa kanya?"

Lockett gritted her teeth in so much irritation. "I don’t understand you at all!" She hissed at him. "You want to be my friend but you are acting like a jealous boyfriend!"

Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon