[ETTCL] Chapter 4: NEVER

154 15 9
                                    

[ETTCL] Chapter 4: NEVER

JULIA's POV

Kasalukuyang naghihilamos ako nang marinig ko yung phone ko na tumutunog.

*~Baby love is staring right at you, but to you I'm invisible~*

 

Nagmadali akong nagpunas ng mukha at lumabas ng CR. Sino kaya yung tumatawag?

*~I can make your heart feel brand new, do you even notice me at all~*

Kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa drawer.

(Kath calling..) *~Its like I'm invi--~*

"Hello Kath?"

[Julia..]

"Oh, bakit ang hina ng boses mo?"

[Julia..]

 

"Kath??"

[Julia..]

"Hello Kath??! Ano bang nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ko. Sobrang hina kasi ng boses niya eh. Tapos paulit-ulit pa yung sinasabi. Baka kung ano nang nangyayari sakanya.

[Julia..]

"Isa pa Kath!! Sasapukin na kita!" actually, kinakabahan na talaga ako. Yung pagababanta ko sakanya na sasapukin ko siya, it's just my way para maalis yung kaba ko.

[Julia..]

 

"Kath, gusto mo talagang masa--"

[Si Dj nandito.]

O_____O

"ANO?!!!!"

Escape The Trap Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon