[ETTCL] Chapter 2: He's Not Like That

178 16 15
  • Dedicated kay Neeca del Puerto
                                    

[ETTCL] Chapter 2: He's Not Like That

 

KATH's POV

"Gusto ko lang sabihin na.. Si Daniel, Diego, Jake, Niel, at Paul, ay lumipat na ng section. From now on, magiging classmate niyo na sila."

"KYAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!"

Nagsimula ulit magtilian yung mga kaklase ko nang i-announce yon ni Ma'am Rodriguez. Pero.. ano ba kasing problema ng eardrums ko? Wala kasi akong ibang marinig..

Maliban sa puso kong nagwawala sa sobrang saya.

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Kinakabahan ako na naE-excite, na kinikilig  na.. EWAN!!! Ang hirap i-explain eh.. >___< 

"Shhhhhhh!!! Quiet na." suway ni Ma'am sa mga kaklase kong sobrang saya.

"Shhhh... Quiet na." suway ko naman sa puso kong ayaw magpatalo sa lakas ng tilian nila.

ilang segundo pa ay tumigil na rin sa wakas yung mga kaklase kong babae, bakla, at lalake sa kakasigaw. Oo, may mga lalaking fan rin ang CB. Kasama na dun sina Kiko at Ej. Idol daw kasi nila sa kagwapuhan yung mga yun. Lalo na daw si Dj. Oha? Ang lakas talaga ng appeal ng mahal ko.. *U*

"Hay salamat naman at tumahimik rin."sabi ni Ma'am Rodriguez na para bang sobrang napre-pressure dahil sa kaingayan, kaguluhan, at kakulitan namin.

"Ahay! Ma'am sorry po! Sobrang masaya lang talaga kami kasi makakasama ko na si JAKE!!.. Uhmm.. I mean.. dahil makakasama na NAMIN yung mga members ng CB!! Di ba girls?" sabi ni Bea sabay kapit sa may braso ni Jake. Ay ano ba yan, Feeling Close? Hay, pero wala akong pakielam. Basta wag lang niyang tangkaing gawin yun sa aking Dj. :D

"Oo nga Ma'am, Sorry po. Hehe.." ^^ pagSang-ayon ni Yen kay Bea.

Hayyy.. pag-ibig nga naman. May gusto kasi si Yen kay Niel kaya kung sumang-ayon kay Bea, ganun nalang. =___=

Si Yen? mabait naman yan. Hindi siya katulad nila Barbie, Bea, Jane, Bianca, at Mikylla na maaarte at masusungit. Tsk! Hindi ko nga alam kung bakit nasali siya sa grupo ng Charismatic Girls eh. Actually, kabarkada talaga namin ni Julia si Yen dati. Kaming tatlo yung naging unang maging magkakaibigan nung first year pa lang kami. Di pa namin close sila Kiko, Ej, tsaka Kiray nun. Kaso lang.. After 3 weeks.. ayun! Lumayo na siya sa amin tapos kila Barbie na siya sumama. Hindi nga namin alam kung anong dahilan eh.

Escape The Trap Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon