Chapter Seven

176 14 0
                                    

"UY, kawawa na iyang hotdog

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"UY, kawawa na iyang hotdog. Durog na durog na. Aping-api na siya!"

Saka lang napansin ni Steven ang hotdog sa plato niya. Nadurog na nga niya iyon sa katutusok niya ng tinidor habang nasa kawalan naman ang isip niya. Kung hindi pa siya sinita ni Angel ay di pa siya matatauhan. Bumuntonghininga siya at saka isinubo ang na-murder na hotdog. Magkatapat silang nakadulog sa hapag para mag-agahan.

"Ano'ng problema, Beb?" tanong ni Angel.

Binalingan niya ito. Tapos na itong kumain at inuubos na lang ang kape. "May iniisip lang ako."

"'Wag kasing agang-aga kagandahan ko na naman ang iniisip mo. Mawawala ka talaga sa sarili mo niyan," patawang hirit nito.

He chuckled. "Utang na loob, Angel. Nakakawalang gana ka," pang-aasar niya niya.

Tumawa lang ito. "Puwera biro. Ano'ng problema?"

He sighed. "Tumawag si Mama. Tinatanong niya kung anong oras tayo pupunta sa bahay."

"Mukhang miss ka na ni Mama Stella. Bilisan mo nang kumain para makagayak na tayo."

"May sinabi si Mama sa akin. Nag-aalangan na akong umuwi sa amin dahil doon."

"Ano naman? Ikuwento mo na kasi."

Uminom siya ng tubig pagkatapos niyang ubusin ang laman ng plato niya. "Bumalik na ang tatay ko."

Nasamid ito sa iniinom na kape. "Ano?! Ang sabi mo patay na ang tatay mo. Kaloka ka! Buhay pa pala, pinatay mo na."

"Eh, akala ko kasi patay na siya. Malay ko bang babalik pa siya. He never existed for the past fifteen years." Sa natatandaan niya, naikuwento niya kay Angel noong high school pa sila na wala na siyang tatay. Mula kasi nang iwan sila ng kanyang ama noong eleven years old pa lang siya, itinuring na niyang patay na ang ama.

"Ano ba'ng sabi ni Mama Stella?"

"Last week daw biglang sumulpot sa bahay namin ang tatay ko. And surprisingly, tinanggap siya nang buong-buo uli ng nanay ko. Hindi naman sinabi ni Mama kung ano ang paliwanag ng magaling kong ama kung bakit niya kami iniwan at kung bakit pa siya bumalik. Sabi ni Mama, mag-usap daw kami mamaya. I don't wanna see him. Or maybe, I'm not ready yet."

"Wala namang masama kung bigyan mo ng pagkakataon ang tatay mo na magpaliwanag. At least nalaman mo ang dahilan niya. Hindi naman kailangan na agad-agad mapatawad mo siya. It will go through a process. Gaano ba kalaki ang galit mo sa tatay mo?"

Humigop siya ng kape at nagkibit-balikat. Mataman niya itong tiningnan. "I don't know. Hindi ko na kasi siya inisip mula noong tinuring ko siyang patay na. Isa lang iyong naiwan sa akin. Iyong trauma. Iyong takot na kapag iniwan ako ng taong mahal ko, hindi na ako babalikan. Nangako siya sa akin noon na saglit lang siyang mawawala para magtrabaho sa Kuwait. Pero few months lang siya nagkaroon ng communication sa amin. Pagkatapos, hindi na siya tumatawag. Wala talaga kaming idea kung ano'ng nangyari sa kanya. Pinagpalagay kong baka may pamilya na siya roon na iba kaya di na niya kami binalikan."

Love Moves in Camera Ways 2 (Completed)Where stories live. Discover now