Chapter Six

171 15 0
                                    

NAGMAMADALI si Angel sa pagbibihis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGMAMADALI si Angel sa pagbibihis. Late na siya nagising dahil nagpinta pa siya noong nakaraang gabi. Last day ng mural painting session ngayon at dapat maaga silang makarating sa school. May klase din kasi si Steven. Isang linggo itong hindi nakapagtrabaho nang magkasakit ito. Sa second day ng trangkaso nito ay lumala ang ubo nito na may kasamang chest and back pains kaya pinilit na niya itong magpa-check up. There they found out na mild bronchopneumonia na pala ang condition ng ubo nito. Iyon ang dahilan kaya nagtagal bago ito nakakuha ng fit to work certificate mula sa doctor.

Pagkasuot niya ng sapatos ay patakbo na siyang bumaba ng hagdan dala ang malaking shoulder bag niya. Nasa sa sala si Steven at hinihintay na siya.

"Wait, iyan talaga ang suot mo?" kunot-noong tanong nito sa kanya nang kunin nito ang bitbit niyang bag.

She's wearing a turquoise green sleeveless tank top and faded color maong shorts. Suot din niya ang favorite niyang slip on shoes na binili ni Steven para sa kanya noon.

"Mukha naman akong tao nang humarap ako sa salamin, ah. Tara na. Baka mauna pa ang taga-Pontez sa akin nakakahiya." They were informed that representative from Pontez Media would come to witness the last day of her painting session.

"Pero ang revealing ng suot mo!" reklamo habang pasakay na sila ng kotse.

"Anong gusto mo? Magsaya ako roon? Ang init kaya roon. At saka, ilang beses na akong nagpinta roon nang naka-shorts at sleeveless, ngayon ka lang nagreklamo."

"Masyadong revealing ang suot mo. Ang baba ng neckline, backless pa." He started driving.

"Half-backless lang iyan, 'wag kang OA. At saka may string design naman. So hindi talaga siya backless at all. May baon pa naman akong ilang set ng damit. Magpapalit na lang ako mamaya kung napapangitan ka sa suot ko," sinabi na lang niya para walang gulo. Noon pa man ay napaka-conservative nitong si Steven. Ayaw nitong nagsusuot siya ng mga revealing na damit.

"Hindi naman siya pangit, Beb. Sige, kung comfortable ka naman diyan sa suot mo, okay lang. 'Wag ka nang magpalit."

Sasagot sana siya nang biglang mag-ring ang cell phone niya.

"Sinong David?" tanong ni Steven. Nakita pala nito ang screen ng phone niya.

"Co-artist ko. Kasama siya sa collaboration exhibits namin ni Sunset. Sasagutin ko lang ito, ah."

"Go ahead. I-loud speaker mo," sabi nito.

Sinunod na lang niya ito. "Hello, David. Good morning!"

"Baby Angel, are you busy? I just want to invite you for a coffee later. Puwede ka ba?"

Binalingan ni Angel si Steven. Hindi na maipinta ang mukha nito. Kunot ang noo nito habang seryoso lang na nagmamaneho.

"Sorry, David I can't. I'm going to finish my mural painting. I'm kind of busy today."

Love Moves in Camera Ways 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon