TL 1

103 3 1
                                    

"Damn it Zea! Can you just take a moment and think?" Galit na galit si Anne sa'kin. "I know your not that dumb para gawin niya lahat sa'yo 'to. And, hello, it's been a month since he broke up with you." Hindi pa rin ako umiimik, pero tama siya.


"So-sorry Anne. I never expect na ganun ang mangyayari e." I cried a lot. Niyakap niya ako.


"Promise me Zea. Never ka nang magpapa-uto o magpapaloko." Tumango lang ako. "I know that you're strong enough for this." Dagdag pa niya.


Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala itong babaeng to sa buhay ko. She became a sister to me kahit parang baliktad ang ugali namin.


Nandito kase ako ngayon sa condo niya. Sinabihan ko na si daddy na hindi ako uuwi. Baka kase pagalitan ako ni mommy kapag nalaman niyang hiniwalayan ako ni Jonas. His parents are my mommy's friends. I don't know how she will react 'pag nalaman niya. He was a very good guy pero hindi ko alam kung anong nangyari at kung bakit siya nagkaganun.


"Zea, iha, kain ka na para makapagpahinga ka na mamaya." Sabi ni nanay Ida, etong kasama ni Anne sa condo niya para raw may magbantay kapag wala si Anne sabi ng parents niya.


"Opo nay." At nginitian ko lang siya.


May inihanda si nanay na favorite ko, Bicol Express. Hay! "Thank you nay sa ulam! Kaya labs kita e." Sabi ko kay nanay Ida.


"Huwag kang mang-agaw ng nanay-nanayan, Zea." Sambit naman ni Anne.


"Etong mga batang 'to. Kumain na nga kayo para makapagpahinga na kayo." Tumango lang kami ni Anne at kumain na.


--


"Anne. Bes, tayo ka na. Malalate na tayo sa school." Niyuyugyog ko siya. Past 7 na. Ang bagal pa naman kumilos nito, baka malate kami sa 8am class namin. "Ang aga pa Zea." Reklamo nito.


"Bahala ka na nga diyan. Nandiyan sa baba si Russel. Una na kami hah?" At biglang bumangon ang bruhitang ito. "Wait lang bes, 30 minutes. Please!" With matching luhod pa talaga. Tumango na lang ako. Alam ko naman na si Russel lang ang mahal nitong babaeng to at ayaw niya na maturn-off si Russel sa kanya.


Hindi ko namalayan ang oras habang nagkukwentuhan kami ni Russel, "Alam mo Zea, kung hindi lang kita bestfriend, sinabunutan na kita. Boyfriend ko pa rin yan." Tumawa tuloy ako ng bongga. "Alam mo Anne, kahit ganyan kagwapo yang boyfriend mo, hindi ko papatusin." At tuluyan na kaming naglakad papunta sa kotse ni Russel.


Malapit lang ang school dito sa'min kaso nakakahiya naman kung haggard na kami makapasok no. Lalo na sa lagay ko ngayon.


Andito na pala kami sa school ang Divine Word University.


Habang naglalakad kami papunta sa gymnasium ng school...


"Russel, ikaw na ba yan tol?" Sabi ng isang lalaki.


"Val? Oh-M-G! Ang gwapo mo na." Sagot naman nitong si Anne. Siya na ata yung Russel ngayon a, pero napansin ko yung kamay ni Russel, hinigpitan niya yung pagkahawak kay Anne.


"Tol, ba't ka nandito? Akala ko ba, forever ka na doon sa London?" Sambit naman ni Russel.


"Ayoko na tol. Mas gusto ko pa rin dito sa pinas. Mas maganda mga pinay e, diba Anne?" Sabi naman nitong si Val daw.


Hanggang makarating kami sa gymnasium, kwentuhan pa rin sila. Wow a! Ilang taon kayang hindi nagkikita ang mga 'to. At dahil nabwisit na ako at mapapanis ang laway ko dito, bigla akong nagsalita,"Out-of-place ako." Tumingin naman silang tatlo sa'kin. Tumawa pa itong magaling kong kaibigan. "Masyado kang selosa Zea. Wait lang bessy, halos tatlong taon na kaming hindi nagkikitang tatlo e." Sabi ni Anne. Napatanong ako "Ano palang ginagawa natin dito sa gym? Tsaka kanina pa nila tayo pinagtitinginan a." Pero hindi nila ako pinansin. Tumayo na lang itong si Val kuno, at nagpunta sa backstage. "Talk to my hand." Sagot ko na lang sa sarili ko.

TOO LATE (1ST.ONE Fanfic)Where stories live. Discover now