TL5

6 1 0
                                    

Buti na lang at sabado ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko ihaharap ang mukha ko kay Val. Gusto ko rin sanang magpasalamat sa kanya pero hindi ko alam kung saan siya kokontakin.


"Hala, yung phone ko pala." Bigla kong naalala. "Hindi ba inabot sa'kin ni Val ang phone ko?" Tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ito.



Bigla na lang bumukas ang pinto nang unit ko. "ZEAAAAA" Nakakabinging sigaw ni Anne.


"Gaga, ang ingay!" Reklamo ko. 


"Oh selpon mo." Inabot naman ni Anne ang selpon ko "Galing kay Val yan, nakalimutan niya daw iabot sa'yo kagabi. Nawala kayo bigla kagabi a? Magkasama kayo?" At naupo siya sa sofa.


"Hinatid niya lang ako dito." Tsako ko inilagay sa microwave ang sandwich na gawa ni Val.


"Talaga ba? Baka naman nakapaghome run na din nang wala sa oras?" Loko niyang tanong.


Tinignan ko siya nang masama. "Yung bunganga mo." Umiling na lang ako.


"Ang pagkakaalam kase namin e, dito siya natulog. Dumaan lang siya sa amin dahil diyan sa phone mo, nakalimutan daw niyang iwan. Pauwi pa lang daw siya, suot pa rin niya yung damit niya kagabi, at di'ba jacket niya 'to?" At iniangat pa talaga ni Anne yung jacket ni Val. "Magsisinungaling ka pa e someone left an evidence here." Humagalpak ito ng tawa.


Napasapo na lang ako sa noo. "Ipinasuot lang niya sa'kin kagabi yan, nakalimutan kong ibalik. Ibabalik ko na lang sa monday." Hinablot ko ang jacket sa kanya at naglakad papunta sa kwarto ko, inamoy ko pa ito bago ko inilagay sa kama ko. Ang bangooooo!


"Pahingi ne'tong sandwich ha?" Biglang niyang sigaw. 


Aayaw sana ako pero nakagat na siya. Tumango-tango pa ito na parang nasasarapan.


"You don't do sandwiches like this girl. Pero masarap, infairness. Papasa ito sa taste bud mo." Bulalas niya. Kinuha ko na lang din ang kalahati at kinain ito. Tama siya , masarap nga. Yung parang gusto mong balik-balikan. Basta, yun na yun. Nagsalin lang ako nang fresh milk sa mga baso at iniabot ang isa kay Anne. 


Habang umiinom ako, "Kung curious ka sa pabango ni Val, Dior Sauvage yun." Halos maibuga ko yung iniinom ko sa harap niya.


"Tangina naman Anne." Naubo pa nga ako.


"Akala mo di ko napansin ang pag-amoy amoy mo dun sa jacket." Tumawa pa nga ito. "Kitang -kita ko kanina yun pagtayo ko a."



"Titigil ka ba diyan o palalayasin kita?" Tanong ko.



"Ikaw naman, di ka na mabiro. So what's the catch between the two of you? Umayos ka a, madali kang mafall."



"Wala. Kaibigan niyo namn siya edi, friend of friends." Sagot ko.



"Try your luck. Malay mo siya na pala talaga."


"Malay mo, malintikan na kayong dalawa ni Russel kay daddy."



"Baka in no time, maging kayo agad tapos di niyo kami iinform. Ayaw mo nun? Double date na lagi. Di ka pa ba nagsasawang maging thirdwheel? Nga pala kumusta yung dinner na pinuntahan mo kagabi bago ka namin daanan ni Russ?"


"Ayun, dinner lang. Akala ko nga ipapakilala sa'kin yung panganay nung family friend namin. Kinabahan kaya ako dun. Buti nga lang nalate e. Nagkasalisihan daw kami sabi ni daddy, kadarating lang daw minutes after umalis ako."


"Pero hindi ka naman pinilit ni Tito? Sinong family friend?"


"No. I think, hindi pa ako pipilitin sa ngayon. Tito Joseph daw. Not sure sa lastname."


"Family friend tapos hindi mo alam last name? Ayos a."


"Hindi naman kase ako mahilig makiusyoso kapag mga ganyang bagay. Most of the time rin e first name basis sina daddy kapag kausap mga family friend namin. Vanessa yata yung asawa, not really sure." 


"Tita Van? Vanessa Dalton?" Tanong ni Anne na may halong ngiti.


"I am not really sure since di ko talaga natatanong kay Dad. Kilala mo?"


"Fair skin? Blonde pero nagkukulay siya ng black sa buhok niya? Matangos ang ilong? Always with gold chains na parang di kompleto ang outfit kung walang gold chains. High cheekbones?"


"I am not really sure. Pero sa gold chains, oo. Nakakatakot yung aura niya but she seems nice." 


"Oh? Really?" Nakakalokang saad ni Anne. "Parang kilala ko."


"Tanungin ko si Daddy kapag di na siya busy. Haynako! Parang di kayo laging magkasama ni Russel. Magkatext na naman kayo."


"Si Val lang to. Nagtext lang kung nabigay ko na sa'yo phone mo. Nireplyan ko lang naman." Sabi niya pero ngiting-ngiti ito.


"Pakisabi pala na salamat." Sabi ko pero, "Ibigay ko na lang number mo sa kanya." Agad niyang tugon.



"Anne!" Kontra ko pero pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya at nasend na niya ito.


Nakatanggap naman ako ng text.

Sorry, I forgot to leave your phone this morning. Hope you're okay now. - Val


Inirapan ko kaagad si Anne. Nireplyan ko na lang din.

It's okay. Thank you pala kagabi and for the breakfast.


Nagreply naman ito agad.

Can we go out some other time? Just the two of us?



__

a/n: Just a short update.

May nakakaalam ba diyan kung ano talagang pabango ni Ace? HAHAHAHA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TOO LATE (1ST.ONE Fanfic)Where stories live. Discover now