Chapter 5

1 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko na para bang binibiyak ito. Nang ilibot ko ang paningin ko ay nasa silid ko ako at ng tumingin naman ako sa wall clock ko and its already 12 in the afternoon. And I still want to sleep but on the other hand gusto ko nang kumain. Buti na lamang at walang pasok ngayon dahil kung nagkataon ay may hang over pa akong papasok.

Bumangon na ako at nag ayos ng aking sarili at saka bumaba at agad na tinahak ang daan patungo sa kusina. At naabutan ko roon si Aling Milet na nag aayos ng mga kagamitan.

"Good morning po nana!" Masayang bati ko rito at agad iyong humarap sa akin.

"Lasing na lasing ka kagabi sugar ah. Tumawag ang daddy mo kanina at tinatanong ka." Bungad nito sa akin. Kinabahan naman ako sa sinabi nitong tumawag daw si daddy. Hala baka nalaman nito ang kagagahan niya kagabi.

"Wag kang mag aalala, hindi ko sinabi sa daddy mo. Masaya nga ako dahil nakakalabas ka na ng ganon at hindi lamang puro libro ang inaatupag mo" Dagdag pa nito na siyang ikinangiti ko. Lumapit ako dito at saka ko siya niyakap.

"Salamat nana, pangako hindi na ako uuwi ng ganoong lasing na lasing" Paglalambing ko rito.

"Nakuu ikaw talaga kung di lang kita paborito hindi ko naman gagawin iyon."Natatawang sagot nito na siyang ikinasimangot ko.

" nana ako lang naman ang alaga mo eh!" Pagmamaktol ko at mas lalo naman itong tumawa.

Pinaupo niya na ako sa hapag kainan at hinainan ng paborito kong pancake. Habang kumakain ako ay sinesermonan ako nito na mag iingat daw ako at wag masyado magpapakalasing dahil baka kung ano ang mangyare sa akin. Yeah. Naintindihan ko naman alam kong nag aalala rin ito sa akin. Ito na ang tumayong ina ko simula nang ipinanganak ako. Dahil namatay ang mama ko sa panganganak sa akin.

"nga pala sugar, May bisita akong darating mamayang hapon. Naipalam ko naman na iyon sa daddy mo." Anunsyo ni nana milet

"Nako okay lang po iyon nana. Sino po ba ang bisita ninyo?" And now my curiosity hits me.

"Si Reese yung bunso kong anak na ikinukwento ko sa iyo." Halatang halata ang excitement sa boses nito.

Si reese ang bunsong anak ni nana milet, pogi rin ito. Pero hindi gaanong good boy ang mga gusto ko. Hindi ko pa naman ito nakikita pero base sa mga kwento ni nana milet ay masipag ito mag aral at responsableng anak. Ito na lamang ang pinag aaral ni nana milet dahil ang mga kapatid pa nito ay mga nag asawa na.

Matapos ko kumain ay agad akong dumiretso sa sala at pinanonood ang paborito kong pelikula ni Jennifer Lawrence, ang the hunger games. Kahit paulit ulit ay hindi ako nagsawang panoorin ito. Naputol ang pag iisip ko nang biglang tumawag ang ama ko.

"Hello? Dad?" Sagot ko rito

"My sweet bakit ngayon ka lang sumagot. I've been calling you several times now." Alalang tanong nito sa akin.

"Relax dad, sinabi naman siguro sa'yo ni manang na tulog pa ako kanina right?" Natatawang sagot ko rito. At narinig kong bumuntong hininga naman ito sa kabilang linya.

"I'm just worried. Anyways how are you doing my sweet?" Tanong nito

"Well, doing great dad. How about you and tita melissa?" Masayang sagot ko rito. Tita melissa is my step-mom, she's a great person and the most caring person I have ever met.

"She's fine. She said miss ka na raw niya. Kelan mo ba daw balak bumisita rito sa California?" Sagot naman nang daddy niya na mukhang kinikilig dahil sa pagtatanong niya tungkol kay tita melissa.

"Well soon dad. You know I want to live here in the philippines and as much as I want to be with the both of you. I want to be here po." Masayang paliwanag ko rito

Her Sweetest RevengeWhere stories live. Discover now