Chapter One

12 0 0
                                    

Nagmamadali akong bumaba ng kotseng sinasakyan ko at mabilis ang hakbang na tinungo ang kinaroroonan ni britney ang bestfriend ko. May problema raw ito kaya kahit weekend ay inaya ako nito sa Bitter Cafe. Nang makapasok ako sa coffee shop agad ko naman itong nakita na nakasuot ng white mini skirt and pink pastel striped shirt and may suot din itong white adidas rubber shoes. She's really pretty with her light brown hair in a high ponytail and her peachy make up that suits her well.

"Well? My dearest sugar?" Pukaw nito sa atensyon ko

"Oh sorry, I was mesmerized by your look today " I honestly told her

"Gosh, you are really honest. That's why I like you" natatawang wika nito akala ko may problema ito? Bakit parang ang saya saya pa nito. Umupo naman ako agad sa tapat niya at nag order sa waiter ng cookies n cream frappe at isang chocolate muffin.

"So, anong nangyare ?" I asked her while looking at the windows of the cafe.

"I uhm, broke up with clyde." Pag amin nito sa akin. And I saw a glimpse of sadness in her eyes.

"Wait, what? Why?" I exclaimed at nang mapalingon ako ay nagsisi ako dahil lahat ng customer dito sa cafe ay sa akin nakatingin sa akin

"Sorry" I whispered and smiled awkwardly with the people around me at saka umayos ng upo

"Going back, I have a favor to ask you my dear bestfriend" She said while smiling at me wickedly

"What is it? " I simply asked

"Why not play with him? Make him fall and then dump him. Like how he dump every girl on our school" She said and then playfully smile at me.

Oh no! This is a big trouble.

"Oh c'mon sugar. Don't say no please? " she pout while giving me her begging eyes

And I know I can't say no to her. As always.

"Fine." Sagot ko rito

And now she is smiling like an idiot because she win over me again. And this time I know i'm in a big mess.

"Oh my God! Thank you" She commented and then laugh

She's so cute and pretty. She has a kind heart kaya lagi ko siyang tinutulungan in every way that I can because she saved me and my whole damn High School life.

"I will get going na hinahanap na ako ni mom. See you tommorow lady!" Tumayo na ito at lumabas na ng coffee shop.

Napagdesisyonan ko na lang rin na umuwi na dahil wala na rin naman akong ibang pupuntahan and maybe prepare for tommorow's class.

NANG makauwi ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa silid ko at nahiga sa kama ko. Inabot ko ang phone ko to check on my social media account and bumungad sa akin ang sandamakmak na post ni Britney about her ex-boyfriend which is clyde. Ngunit isa lang ang nakakuha ng atensyon ko and that is her post connected to me and it say's

"Get ready for my sweetest revenge darling"

Gosh, naalala ko na naman ang napag usapan namin kanina. You know why I can't say no to this woman? Because I was bullied before and she is the only person who protected me.

Kilala siya sa school and she is considered as a Queen Bee. And dahil sinabi niya sa lahat na kaibigan niya ang isang nerd na katulad ko ay tinigilan na ng mga estudyante ang pangbubully sa akin.

Kaya thankful ako sa kanya at hinding hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa niya para sa akin. Natigil lang ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang phone ko.

Agad ko naman iyong inabot at bumungad sa akin ang chat ni Britney saying

"Meet me at Estrella Salon tommorow at 6 am"

Nagheart react naman ako sa post niya and nagreply ng "sure". Agad kong pinatay ang phone ko dahil wala naman akong interes sa social media na yan. Mas gusto ko pang magbasa ng libro kesa maubos ang oras ko kakascroll ng mga memes.

MAAGA akong nagising dahil nga magkikita kami ni Britney sa sa salon. Agad akong naligo at nagbihis, hindi naman ako palaayos kaya hindi na ako nag abala pang mag ayos at bumaba na rin ako dahil malelate na ako sa oras ng usapan namin ni Britney.

Lumabas ako ng bahay ng hindi na nag almusal dahil sa pag mamadali. Mabuti na lamang at nakahanda na ang driver ko at agad akongsumakay sa kotse.

Mabilis kaming nakarating sa estrella salon at pinauwi ko na ang driver namin dahil mag grab na lang daw kami ni Britney papuntang school. Ayoko din naman maghintay ng matagal ang driver ko kaya pinauwi ko na ito.

" Ready for your make over?" Excited na tanong nit Britney at saka ako hinila papasok sa loob ng salon na mukhang hindi pa nakaopen.

"Mama G! " tawag nito sa baklang blonde ang buhok

"Siya na ba ang sinasabi mo?" Tanong ng bakla kay Britney

Tumango naman si Britney at saka sumagot.

"Make her as pretty as me Mama G! Dito lang ako." Masayang utos nito at naupo sa may sofa na malapit sa reception desk.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad akong hinila ng baklang si mama G sa upuan at sinimulan na ang pag aayos sa buhok ko. And almost after an hour natapos rin ito

Nagulat ako sa nakikita ko sa salamin at pakiramdam ko ay hindi ko na kilala ang sarili ko. Big wavy permanent curls ang ginawa ni mama G sa buhok ko.

At nang lumapit sa akin si Britney ay napanganga naman ito sa ayos ng buhok ko.

"Well you should take your glasses off" Utos ni Britney sa akin

"You see, I have a low vision It can't be take off" I insisted.

Tumango na lang ito at mabilis na nagpaalam sa bakla at hinila ako palabas ng salon. Nagsimula naman kaming maglakad lakad hanggang sa makarating kami sa isang eyeglass shop and kumuha siya ng dark black na contact lens para sa akin. Pinilit niya akong isuot yun at wala naman akong nagawa dahil makulit ito.

Sumunod naming pinuntahan ay ang isang beauty shop at hila hila ako nito habang namimili ng mga cosmetic products para daw sa akin. After buying those sakto namang bukas na ang mall na malapit sa school namin kaya doon niya na ako inayusan. And wow! Parang hindi ako ang babaeng nakikita ko sa salamin. I felt like I am another person.

"see? your beautiful" komento ni Britney

"Bakit ba kailangan ko mag ayos ng ganito britney? " tanong ko rito

"Duh! Of course for my sweetest revenge" she said and rolled her eyes at nagsimula na rin itong iretouch ang sarili niya

Nang matapos kami mag ayos ay dumaan muna kami sa isang fast food chain upang kumain bago pumasok. While waitinv for our order hindi ko napigilan ang magtanong kay Britney about her plans and other stuffs.

"So what's your plan? " I curiously ask her

"No, ako dapat nagtatanong sa'yo niyan. What's your plan sugar?" Seryosong tanong nito sa akin

"Wala kang plano?" Tanong ko rito

"None. Well it is because I will not be able to talk to you at school since the goal is to make him fall for you and matutunugan niya ang plano kapag lagi tayong magkasama. This is the only way I can help and its all up to you now." Paliwanag nito

Napanganga naman ako sa sinabi nito. Can somebody tell me that this is just a dream? Mababaliw ata ako sa lakas ng trip ng babaeng ito.

Tahimik na natapos ang pagkain namin at nauna siyang umalis samantalang ako ay dumaan pa sa isang botique at bumili ng mga squarepants,croptop, highwaist shorts and halter. I need to boost up my confidence and start changing how I style my self. Lahat nang pinamili ko ay pinakuha ko sa driver ko para iuwi sa bahay.

Ngayon kababa ko lang ng grab na sinakyan ko at halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. At naririnig ko rin ang bulungan ng mga tao sa paligid ko.

'Gosh is that sugar?'

'Pre ang ganda pala niya?'

'New student?'

'Dyosa naman niya'

Hindi ko na lamang pinansin ang mga komento ng mga estudyanteng nakakakita sa akin at mabilis na tinungo ang building kung saan naroroon ang klase ko.

Her Sweetest RevengeWhere stories live. Discover now