•••

6 0 0
                                    

Alva's POV

Paglabas ko sa kaharian agad narin naman na akong pumunta sa Depth Realm at upang ipahayag narin kay Haring Luxrious na siyang tunay kong hari ang tungkol sa magandang balita.

Balitang ipinanganak na ang Twilight Goddess.

Matagal na akong naninilbihan sa Oparallian ngunit kahit kaunting katiting ay wala silang naging hinala patungkol sa tunay kong pagkatao.

Hindi nila alam na isa akong Depthian.

"Maligayang pagbabalik dito sa Depth Realm,Alva."pagbati saakin ni Haring Luxrious.

"Dahil nga nagbalik ako,may maganda akong ibabalita,Mahal na hari."ani ko.

"At ano naman iyun?"nagtatakang tanong niya habang naghihintay ng aking isasagot.

"Naisilang na ni Mohala ang kanyang anak."

"At ano naman ngayun kung isinilang na niya ang kanyang anak?"

"Mahal na hari,hindi lang basta isang sanggol ang kanyang isinilang."

"Ano?"

"Ang kanyang isinilang na sanggol ay ang Twilight Goddess."

Pagkasabi ko ng katagang iyun ay nagulat siya nang husto na hindi ko mawari sa kanyang mukha kung masaya nga ba siya o kinakabahan.

"Twilight Goddess!"sambit ni Haring Luxrious habang nakangiting nasasabik.

"Ano po ang inyong balak,Mahal na Hari?"

"Gusto ko,patayin mo muna si Zephyrus."

"Ano po?!"

"Bakit di mo ba kaya?!"

"hindi naman po sag......"

"Ang sabihin mo hindi mo kaya!!!"

"Kaya ko po,Mahal na Hari,masusunod po."

"Mabuti,dahil kapag namatay na si Zephyrus,madali nalang nating maaangkin ang kanyang anak."

"Pero,paano naman po si Reyna Mohala?"

"Ako na ang bahala sa kanya!"

Luxrious's POV

Isang magandang balita ang ipinahayag saakin ng aking ispiya mula sa Oparallian.Ang pahayag na matagal ko nang hinihintay,ang pagdating at pagsilang ng Twilight Goddess.

Kalahating Order at Kalahating Chaos ngunit hindi din magtatagal ang bagay na iyun dahil gagawin ko siyang isang purong Depthian.

At sinisigurado ko na siya ang magiging daan upang masakop ko ang buong Quantum.

Hinihintay ko na lamang ang kamatayan ng kapatid kong si Zephyrus upang walang sagabal sa lahat ng aking plano.

Makalipas lang ang ilang sandali ay biglang dumating ang akong asawa.

"Luxrious,narinig ko ang pinagusapan niyo si Alva.Pinanganak na nga ba talaga ang Twilight Goddess?"ani niya.

"Oo,aking Reyna,hinihintay ko nalamang ang kamatayan ni Zephyrus."sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin,Luxrious?"

"Inutusan ko si Alva,upang paslangin si Zephysus sa lalong madaling panahon dahil kapag siya ay napaslang na,madali nalang nating makukuha ang Twilight Goddess."

"Luxrious,wag mo itong gawin!"

"Ang alin?Ang pagpatay sa aking kapatid o pagkuha sa Twilight Goddess?"

"Pareho,Luxrious,parehong wag mong gagawin!"

"Nahihibang ka na ba aking Reyna?"

"Hindi ako nahihibang Luxrious!Ang saakin lang ay dapat mamuhay nalang tayo ng tahimik dito sa Depth Realm at wag nang maging sakim sa kapangyarihan!"

"Wala ka nang magagawa aking Reyna,dahil desisyon ko yun,at hinding hindi mo ako mapipigilan."ani ko sabay alis sa kanyang harapan na bakas parin sa kanyang mukha ang di pagsang-ayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between Order and ChaosWhere stories live. Discover now