•••

6 1 0
                                    

Zephyrus's POV

"Mahal na hari maaari nyu na pong puntahan ang inyang anak."ani ng aking heneral na si Alva habang ako naman ay naghihintay sa pagsilang ni Mohala sa aming anak.

Agad narin naman na akong tumugon at pumasok sa aming silid kung saan nanganak si Mohala.

Pagpasok ko bumungad saakin ang isang sanggol sa babae na di pang karaniwan ang itsura.

Mukhang kalahati ang kanyang kaanyuan,sa kanyang kanang bahaging katawan nakahulma ang anyong Depthian at sa kaliwa nmn ay anyong Oparallian.

"Bakit ganyan ang ating anak,Mohala?!"nagtataka kong tanong sa aking asawa.

"Maski ako'y hindi ko mawari kung bakit nga ba ganyan ang kanyang anyo."sagot niya naman.

Nagsalita ang Belveda(manggagamot).

"Bakit pa kayo nagtataka sa itsura ang inyong anak,hindi ba halata na magkaiba kayo ng lahi."

"Ibig nyo po bang sabihin na dalawa ang kapangyarihan ng aming anak?"tanong ko sa Belveda.

"Depende lang ang bagay na iyon,kung makukuha siya ng mga Depthian at lalasunin ang kanyang buong pagkatao maaari siyang maging isang purong Depthian o sa maikling salita lahat ang kapangyarihan niya ay magiging Chaos pero kapag pipiliin niyo naman na maging puro siyang Oparallian,maaari niyo namang gawin iyon saparaang  pagtanggal ng kasamaan sa kanya."
ani ng Belveda.

"Babala ko lamang sa inyo,mahal na hari at reyna,makapangyarihan ang inyong anak at sa tingin ko maaamoy siya ng mga sakim sa kapangyarihan.Kaya hanggat maaari ilayo nyu ang inyong anak."dagdag pa niya.

"Mananatili ang aking anak sa ganitong kaanyuan dahil siya ang sumisimbolo sa salitang Balance.Hindi ko hahayaang makuha siya ng Depth Realm at gawing masama."ani ni Mohala habang bitbit ang kanyang anak.

Mohala's POV

Masaya ako dahil isinilang ko na ang aking anak na si Harumi alam kong hindi siya pangkaraniwang diwata na mabubuhay ng payapa dito sa Quantum kundi ay pilit siyang sasakupin ng kasamaan dahil sa taglay niyang kapangyarihan ngunit hindi ko hahayaan ang bagay na iyon,hanggat nabubuhay ako hinding hindi nila makukuha ang aking anak.

"Napakaganda ng inyong anak Mahal na reyna."danig kong sambit ni Alva.

"Salamat Alva."sagot ko naman.

"Alva,Nais ko sanang utusan mo ang ating mga kawal na magbantay sa paligid ng palasyo at upang tinggan narin kung may paparating."ani ko.

"Bakit po mahal na Reyna?"

"Nais ko lamang protektahan ang aking anak sa mga Depthian,dahil naninigurado ako na kapag nalaman nila ang tungkol sa aking anak malamang kukunin nila ito."paliwanag ko.

"Ngayun din mahal na Reyna,masusunod po."sagot naman ni Alva kasabayan ng kanyang pag alis.

Sa pag alis ni Alva agad narin namang pumasok si Zephyrus.

"Kamusta ang ating anak,Mohala?"tanong ni Zephyrus habang nakangiting papunta saakin.

"Ito tulog na."sagot ko naman kasabayan ng paghalik ni Zephyrus sa kanyang anak.

"Nais ko sanang sabihin sa iyo na inutusan ko na si Alva upang sabihin sa ating mga kawal na magbantay sa palagid ng palasyo."ani ko at agad narin naman siyang sumagot.

"Mabuti na rin iyon para mapangalagaan natin ang ating anak."sagot naman niya.

Zephyrus's POV

Lumalalim na ang gabi at tulog narin ang aking mag ina ngunit di parin nawawala ang pagalala ko sa aking anak.

Natatakot ako dahil baka maramdaman na siya ng mga Depthian.

Habang ako ay nag mumuni muni sa kawalan biglang pumasok ang aking heneral na si Alva.

"Magandang gabi Mahal na hari."

"Ano ang iyong kaylangan Alva."

"Nais ko po sanang magpaalam muna."

"Gabing gabi na Alva,saan ka ba pupunta?Hindi mo ba maipagpapabukas yan?"

"Patawad Mahal na hari ngunit kailangan ko itong gawin ngayun."

"O sige basta't magiingat ka,Alva."

"Salamat Mahal na hari."

Pagkasabi niya at agad narin naman na siyang umalis.Nagtataka lang ako dahil malalim na ang gabi at tsaka lang siya aalis.






Between Order and ChaosWhere stories live. Discover now