Ang Pagtingin Ko Sayo (poem)

2.1K 25 7
                                    

Ang Pagtingin Ko Sayo.

by sleeplessguy

11/10/2012 1:07 AM

Pangalan mo ang binibigkas ng aking puso sa bawat nitong pagpintig

At ang lagi nitong sinasambit sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig.

Ang presensya mo ay nagdudulot sa akin ng sobra sobrang pagkakilig

At ito rin ang dahilan ng aking halos na pagkahulog sa sahig.

Sa bawat araw na dumaraan, hinihiling ko na sana ay malapitan ka.

mahawakan, mayakap, mahagkan at maipadama na hinahangaan kita.

ngunit sa bawat araw na dumaraan ka, ako ay napapatulala nalang bigla

tumutumulo na pala ang aking laway, pinagnanasaan na kita.

Pagtingin mo lang naman ang matagal nang pinapangarap ng isang tulad ko.

Isang sulyap mo lang ay paniguradong makukumpleto na ang buhay ko.

Ang makasama ka ng higit pa sa isang minuto ay ayos na ayos na.

Ang makausap ka pa ay parang ikamamatay ko na sa sobra sobrang ligaya.

*******

(di pa talaga yan ang title. hahaha)

My Poems (written in english and filipino)Where stories live. Discover now