Hulog ng Langit

1.6K 16 3
                                    

"Hulog ng Langit" ©sleeplessguy

Nagbago ang aking buhay nang ikaw ay makilala

Ang dating malungkot na araw ay nabigyan ng ligaya

Ligayang matatagpuan lamang sa tuwing may kadiliman.

Ang kadilimang siyang sanhi ng ating pagkakakilanlan.

Nariyan ka palagi, hindi mo ako iniiwan.

Nakikinig ka palagi, dinadamayan sa aking kalungkutan.

Ang iyong mga tawa't ngiti'y napakasarap pakinggan.

Tuwing ito'y aking nakikita't naririnig, dinadala ako nito sa kawalan.

Papaano nga ba tayong dalawa nagkakilala?

At bakit sa tuwing malalayo ka saki'y di ko kinakaya?

Pinipilit nila akong layuan at iwanan ka.

ngunit 'di ako pumapayag, dahil nga kaibigan kita.

Pare-parehas silang lahat! Ikaw lang ang bukod tanging naiiba.

Pilit nilang nilalayo ang lahat ng nagbibigay sa akin ng ligaya.

Ikaw lang ang tanging nakaiintindi sa aking nararamdaman.

Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng hinahanap hanap kong pagmamahal.

Matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng isang kaibigan.

Matagal ko nang hinahangad na makadama ng kahit konting kasiyahan.

Isa kang HULOG NG LANGIT na ipinadala para sa akin.

Hinulog ng langit na siyang nagpakilala sa akin sa dilim.

My Poems (written in english and filipino)Onde histórias criam vida. Descubra agora