Chapter 7

237 17 14
                                    

CHAPTER SEVEN


Sa pagpatak ng bawat segundo't minuto, nararamdaman ko na ang paghihiwalay ng aming mga landas. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero nararamdaman kong sa pagtatapos ng gabing 'to, matatapos na rin ang lahat . . .

"Mahilig ka sa kape?" Mula sa menu na nasa itaas na bahagi ng counter, binalingan ko si Orion na nasa aking tabi at mabilis na tumango bilang tugon sa tanong niyang 'yon. "A, pareho pala táyo."

"Pero hindi ako pumupunta sa coffee shop at gumagastos ng one-hundred pesos para lang sa kape," dugtong na paliwanag ko. "Isang nescafé creamy white lang, sapat na sa akin."

Natawa siya. "Pareho pala kayo ni Monique."

Itatanong ko pa lang sana kung sino ang tinutukoy niyang 'yon nang sumingit na sa usapan namin ang barista na nasa counter at kinuha ang aming order.

"Isang sixteen ounce brewed coffee sa akin. Ikaw, Malcolm, ano'ng sa iyo?"

Muli kong binalingan ang menu. Wala talaga akong mapili kaya sinabi ko na lang, "Gano'n na lang din, pero 'yong twelve ounce lang sa akin."

"Sigurado ka?"

"Hindi ako makapili, e."

"Try mo na lang yung iced caramel macchiato nila."

"Sige, bahala ka."

Dahil siya na ang nagprisintang magbabayad, hinayaan ko na lang ang sarili na pasadahan ng tingin ang paligid. Hindi ito gano'n kalaki sa labas, pero ang lawak naman pala nito sa loob. Iilan lang ang mga lamesa at hindi ito tabi-tabi kaya masarap sa pakiramdam ang espasyong namamagitan sa bawat isa. Presko rin ang ambiance ng buong coffee shop na 'to.

Nang may mapansin akong hagdan sa gilid, agad kong binalingan yung barista na kumuha ng order namin. "May second floor kayo?"

"A, yes, sir. Doon po nagaganap ang mga performances ng mga spoken word poetry artists every night from eight p.m. to twelve midnight."

Agad kong tiningnan ang oras sa cell phone: 11:23.

"Doon na lang táyo sa itaas?"

Nakangiti kong tinanguan si Orion sabay sabing, "Sige."

Hinintay muna namin ang aming mga order at nang ma-i-serve na ito, sabay na kaming umakyat sa itaas na bahagi nitong coffee shop. Nakakailang hakbang pa lang kami, rinig na namin ang nagtatanghal ng spoken word poetry.

"---kaya kapag ika'y magmamahal, siguraduhin mo munang pareho kayo ng bangkang kinalalagyan bago sumugal. Dahil mahirap magsagwan nang mag-isa at walang kasama. Maraming salamat po."

Palakpakan na ang sumalubong sa amin nang tuluyan na kaming makaakyat. Sa may bandang unahan sa kaliwang gilid kami pumuwesto.

"Para sa susunod na magtatanghal, palakpakan po natin si Ginoong Mikael!"

"Teka, Orion, may charger ka bang dala?" Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya pagkarinig ng tanong kong 'yon. "Atat na atat kang makapag-charge, wala ka naman palang dalang charger."

Napakamot na lang siya sa likurang bahagi ng kaniyang ulo habang natatawa na rin. "Teka, ita-try kong manghiram."

Napailing na lang ako nang magmadali na siyang bumaba. Saan naman kaya siya manghihiram?

The Night We MetWhere stories live. Discover now