Chapter 2

349 25 60
                                    

CHAPTER TWO


Limang minuto bago mag-alas-sais nang makarating kami sa Bulaluhan ni Mang Tomas---isang maliit pero talaga namang dinadayong bulaluhan dito sa Tagaytay---at dahil ako ang naunang pumasok sa loob, ako na ang naghanap nang mauupuan namin. "Doon na lang táyo," sabi ko sabay turo malapit sa bintana na gawa sa bamboo. Tumango lang siya at tahimik na sumunod sa akin.

Nang makita kong may menu na sa lamesa, agad ko na itong tiningnan. Nagugutom na kasi ako dahil kaunti lang ang kinain ko kaninang tanghalian.

"Gusto mo rin bang magbulalo?" tanong ko kay Orion na sa katapat na upuan ko umupo. "Solid ang bulalo nila dito. Sobrang sarap talaga."

"Hindi ako puwedeng kumain niyan."

Pinanliitan ko siya ng aking mga mata sa sinabi niyang 'yon. "Bakit?"

Nginitian niya lang ako bago itinuro ang kaniyang puso sabay sabing, "Bawal, e."

"Sorry, hindi ko alam. Gusto mo sa iba na lang táyo---"

"Masarap ba?"

"Ha?"

"Yung bulalo, masarap ba talaga?"

Mabilis naman akong tumango. "Oo. Maraming nagkalat na bulaluhan dito sa Tagaytay pero dito ang pinakamasarap na natikman ko. Ang sabi, original recipe daw kasi talaga ni Mang Tomas yung bulalo nila dito."

"Okay."

"Okay? Anong okay?"

"I'll try to eat bulalo tonight."

"Sigurado ka?" nag-aalala kong tanong. "Kasi puwede naman tayong maghanap ng ibang makakainan. Maaga pa naman."

"You only live once, 'di ba?" Napangiti na lang ako sa sinabi niya dahil naalala ko naman yung eksaktong sinabi ko sa kaniya kanina. "And I don't want to be reborn again, so better grab this opportunity now."

Hindi na ako nagkomento pa sa sinabi niyang 'yon at ibinaling ko na lang ang atensyon sa menu na hawak-hawak ko. Pagkatapos naming makapag-order, tahimik na lang kaming naghintay na ma-i-serve ito. Habang abala siya sa kaniyang cell phone, naisipan ko namang pagmasdan ang mga dumadaang sasakyan na nasisilayan ko mula sa aking puwesto. Ilang saglit lang, muli na naman siyang nagsalita.

Habang magkasama kami, dapat ko na sigurong sanayin ang sarili sa bigla-bigla niyang pagsasalita sa kalagitnaan ng katahimikang namamagitan sa aming dalawa.

Kasalanan din kasi 'to ng hilig ko sa pagkakape kaya ganito na lang ako kung magulat o mabigla.

"Ano nga ulit yung sinabi mo?"

"Gusto ko lang malaman kung bakit naisipan mo akong yayain at dalhin dito."

"Mukha ka kasing malungkot," diretsang sabi ko. "Uy, no offense meant, a. Saka sabi mo kasi gusto mong maging masaya tapos bigla kong naisip yung kasabihang, 'happiness comes from foods and full stomach' kaya nandito táyo."

"May gano'n bang kasabihan?"

"Meron."

"Sino namang nagsabi?"

The Night We MetΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα