Chapter 14

27.7K 430 3
                                    

Enjoy Guys :) Do a comment please! *_* WRITERS BLOCK AT WALANG NET HUHU Comment for Dedic ;)

Chapter 14 ( REVELATIONS)

Shella's Pov

Agad ko nang pinasok ang bahay, Bakit hindi ata ako masaya? Di ba ito ang gusto ko?

Kumatok Ako at agad akong pinagbuksan ni Mama

"MAMA!" Salubong ko dito Naningkit ang mga mata nito at namutla ito

"A-Anong ginagawa mo dito? M-May kasama ka?" Parang kinakabahan ata si Mama?

"Wala po bakit?"

"Pumasok ka" Niluwagan nito ang bukas ng pinto

"Maupo ka maghahanda ako ng Meryenda" Bakit ang bait ata ni Mama ngayon?

"Sige po Ma" Paglipas ng ilang saglit may dala si Mama ng Strawberry ShortCake at Juice

"Salamat Ma" Tinikman ko agad ito

"Waah ansarapp! Si Papa po?"

"Nasa trabaho, Gabi pa ang uwi. Bakit ka nandito? May binabalak na naman ba siya?"

"Ano po ang ibig mong sabihin Ma? Pinalaya niya po ako" Nagulat si Mama at nanlalaki ang mga Mata

"P-Paanong? BUMALIK KA SA KANYA!"

"P-PO? Ayaw ko po Mama!"

"Papatayin niya kami!" Maluha luhang sabi ni Mama

"A-Ano pong ibig niyong sabihin Mama? Wag po kayong matakot sabihin niyo po sa akin!"

Naluha ito at hinawakan ako sa kamay, First Time

"May aaminin ako sa yo anak sana maunawaan mo"

"Opo Mama susubukan ko po para sa inyo"

"Noong anim na taon ka pa lang...

FLASHBACK 14 YRS AGO~


Pauwi na kami ng gabing iyon ng may makita kaming aksidente tumama ang kotse sa puno liblib na ang lugar at gabi na kaya wala nang masyadong taon ang dumadaan dito

Nagmamadali kami ng asawa ko dahil baka buhay pa ang nasa loob pero nagulat kami dahil ang natagpuan namin sa sasakyan ang magasawa na may dahilan kung bakit wala na ang anak namin dahil noong panahon na may sakit ang anak ko at bumale ako sa magasawa pampagamot ay hinindian nila dahil palagi daw akong bumabale at wala na silang maibibigay pa nagtatrabaho ako sa kanila bilang katulong nakakapanlumo dahil wala na si Anita wala na ang anak namin dahil sa kanila ng hindi nila alam! Nanlulumo kami habang sila ay nagpapakasaya at walang problema dapat lamang sa kanila ang nangyare

"Pabayaan na natin sila dyan!" wika ko sa asawa ko tumango ito 

"Mukhang kakabanga palang nila, Tara na" Aya nito ng may marinig kaming umiiyak na bata mukhang nagising ito at nakita ang magulang niyang sugatan

"Halika" Tawag ko dito at nakita ko ang kwintas nitong may pangalan na Shella

"Halika Shella sumama ka samin" Tumigil ito sa pagiyak at inabot ang kamay ko

Duguan ang braso nito "Anong binabalak mo?!" Tanong ng asawa ko

"Panoorin mo na lang ako" ng magising ang Ina nito at nakita ako mula sa salamin

"T-Tulu..nga..n mo kam--i!'' Natawa ako at sinabing

"Tulong? Yan ang hiningi ko sa inyo noon pero anong ginawa niyo?" Agad kong binuhat ang anak nila nawalan ito ulit ng malay kanina dahil mahina ang katawan mukhang anim na taon pa lang ito nagpatuloy kami sa paglalakad ni Eduardo mabuti at napadaan ang sasakyan nila dito marahil gusto nilang magshortcut kaya napadaan sila sa masikip at liblib na lugar na ito

Hahaha gusto niyo ng shortcut? Ang buhay niyo tuloy ang nagkashortcut

habang palayo kami ay nagawa pa niyiang sumigaw

"Tul--ong! Y-Yung a....ana-k ko!" pero tuloy tuloy lang kami ng asawa ko

Lumipas ang panahon nagkatrauma ang bata at nagkaamnesia marahil ay dala ng takot gusto nitong malimutan ang lahat samantala ang kwintas na iyon pala na may pangalan ni shella ay tunay na ginto kaya ibenenta namin at ginamit upang mapalago kung susuwetehin ka nga naman

Noong naging Walong taong gulang na si Shella ay unti unti nitong nakakamukha ang ina kaya lalong namuo ang galit ko rito sa kanya ko binubuhos  ang lahat ng hinanakit ko kahit na minsan napapaisip ako ano ba kasalanan ng isang bata? wala siyang muang pero ang mukha niya!

Ang lihim naming magasawa ay may nakatuklas paano nila nalaman? Maraming nagsabi na makapangyarihan ang pamilya nila

Isang araw ay natunton niya kami

Isang bata na kaedad ni Shella

"Napakasama mo! Magbabayad ka! Sinisugurado ko na luluhod ka sa harap ko!'

"hahaha anong magagawa ng batang tulad mo?"

"Hahahahahahaha mas nakakatawa ka! dahil ang batang minamaliit mo ang nakatunton at nakaalam sa lahat ng plano mo!"

Agad akong kinabahan Tama siya.

"S-sino ka ba ha?!"

"Akala ko ba bata lang ang tingin mo sa akin? Hahaha"

"K-Kung dapat nga kita katakutan bakit ayaw mo pa siyang k-kunin?"

"hahaha wag kang magalala kukuhanin ko siya sa inyo! Pagkatapos papatayin ko kayo kahit magtago ka mahahanap kita at magpakasaya ka muna pasalamat ka at wala pa kong balak na kunin siya"

"papatayin? PAANO KUNG SIYA ANG UNAHIN KO!"

"HAHAHA tignan natin kung kaya mo papahirapan nalang muna kita bago patayin kasama ang asawa mo masaya yun siya nga pala napapansin ko na napapalapit kana sa Shella ko at naawa sa kanya pwes wag niyo nang subukan walang sinuman ang pwedeng humawak sa kanya maliban sa akin"

"Sino kaba at napakatapang mo?!" 

"Darating yung araw na makukuha ko na siya kaya galingan mo sa pagabantay sa kanya at iiwas mo siya sa lahat ng lalaki gusto ko man siyang makuha ay di ko pa magagawa dahil nais ng ama ko na sa ibang bansa ako mag aral  babalikan ko kayo"

"Pakampante ka masyado para ipagkatiwala pa siya sakin ng ilang taon!"

"Dahil alam ko ang rason kung bakit mo siya kinuha nabulag ka lang pero ang totoo gusto mo ng anak hindi mo lang matanggap dahil kamukha siya ng ina niya pwes bibigyan kita ng panahon pero wag kang mapapalapit sa kanya dahil kukunin ko din siya"

"Hindi totoo yan bata! Si Anita lang ang anak ko! Paghihiganti lang ang gusto ko sa kanya!"

"Talaga lang ah? Tutulungan ko kayo sa kabila ng nagawa niyo sa Mahal ko dahil sa tulong niyo eh nawala din naman ang mga taong mahal ni Shella dahil dapat ay ako lang! pero alamin niyo ang limitasyon niyo at wag kayong mapapalapit sa kanya by the way Call me Damon"

Agad na itong umalis at sumakay sa bisikleta niya isang bata ang magsasabi ng mga yon? Napakaimposible!

At ano kahit ba ang sariling magulang ni Shella ay nagseselos siya? At Mahal? eh mukhang Siyam na taong gulang palang siya ah? Grabe! Bagay sa kanya ang pangalan niya Damon!

Sorry Guys for this Chapter kung panget :( Bawe nalang ako bukas :)

VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE AT SA LAHAT NG NAGVOVOMMENT AT PATULOY NA NAGBABASA SALAMAT PO :* 

You're A DevilWhere stories live. Discover now