Litrato

70 2 1
                                    

Paano ka nga ba magmamahal ng isang taong sa picture mo lang nakita?,sa araw araw na kausap mo siya puro facebook lang at text ang ginawa niyo.Mahirap man isipin pero yun ang nakasanayan mo na.Halos lahat ng panahon ibinigay mo sa kanya pero may parte ng sarili mo na nagdududa kung talagang seryoso nga ba siya sayo.

Ito ay story ng buhay ko na mahirap paniwalaan,na isang tulad ko na ng mahal ng totoo sa taong di ko naman nakita kahit sa cam.Tawagin niyo man akong tanga pero yun ang totoo,masyadong mabilis yung nangyari samin.Nakilala ko siya sa loob ng Chatroom kung tawagin nila at isa ako sa mga chatter na mahilig sa dotdotan,katulad ng ibang love story niligawan niya ako at nahulog agad ang loob ko sa kanya.Ikaw ba naman ang bigyan ng mga sweet messages sa inbox at posted messages sa wall ng facebook mo,di ka kaya kiligin?.He's sweet at very thoughful,lagi niya ako inaalala.Noong una naging okay naman yung lahat samin.May selosan na nangyayari samin,nag-aaway din kami halos araw-araw.Pero biglang nagbago ang lahat ng nagsawa ako sa status ng relasyon namin.Sabi ng mga kaibigan ko kailangan bigyan ko siya ng ultimatum kasi daw unfair na di ko siya nakikita kahit sa cam man lang.I tried to convince him so many times,but it was useless.Ang lagi lang niya reason wala daw siyang cam at mobile lang gamit niya lagi.May nagsasabing may tinatago siya sakin pero di ko lang pinansin yun kasi mahal ko siya.Yung iba naman sinasabi nila baka Poser daw siya,but because i love him i trust at naniwala ako sa mga explanation niya.He's sick and he need to be cured,bahay ospital lang ang ginagawa niya(yun ang sabi niya sakin).At gaya ng dati i believed him.

Alam kong malaki din ang mga nagawang kasalanan kasi na-ikwento ko ang tungkol sa sakit niya sa mga taong inakala kong mga kaibigan.San damakmak na tsismis ang dumating at halos magwala siya nung nalaman niya yun.Di man niya sabihin sakin na ako ang may kasalanan pero ramdam ko na galit at inis siya sakin.Pero di pa rin ako sumuko kasi mahal ko siya,kinain ko lahat ng pride ko at nagsorry ako sa kanya.Pero as the day pass by biglang napalitan ng lungkot at malaking katahimikan sa relasyon namin.

Hanggang sa isang araw i woke up feeling nothing,yung tipong kahit anong iyak ko at pag-eemot walang luhang lumabas sa mata ko.I asked advices di lang sa isang tao,and then i realized ang tagal kung nakatulog at sa pagtulog ko na yun siya lang ang nakikita ko.Ibinigay ko lahat ng attensiyon at naniwalang balang araw makikita ko siya.Ilang luha ang sinayang ko sa pagmamahal ko sa kanya.Naging one sided ako sa pagmamahal ko sa kanya,di ko naiisip ang sarili ko.Pinilit kung maging mabait at sumunod sa lahat ng gusto niya,pati mga friends ko sa cyber world iniwasan ko para maging okay lang kami at maiwasan ang away.Pinamukha niya sakin na mga bad influence sila.Kung talagang mahal niya ako bakit sa simpleng hiling di niya kayang gawin sakin?.Bakit ako lang palagi ang sumunos sa gusto niya?.

Nakakatawa ano?,Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng biglang mag-sink in lahat ng pangyayari samin.Apat na araw simula nung di siya nagparamdam sakin dahil busy siya sa pagpapagamot at nag-away din kami,nalaman ko na wala na akong nararamdamang sakit.Di katulad ng dati na pagdi ko siya nakakausap ng isang araw parang naiiyak ako sa lungkot at di mapakali na okay lang ba siya.After 5 days nag on line siya pero hindi niya ako pinansin,lahat ng private message ko di man lang niya binasa.Alam ko kasi pumapasok din ako sa facebook niya pareho kasi namin alam ng password,yan yung napagkasunduan namin ang akin at kanya ay iisa kaya lahat ng nangyayari sa loob ng fb namin alam namin  pareho.

Sa relasyon namin madami din naman good memories kaso pag-naiisip ko ang settings ng relasyon namin parang puro kasinungalingan lang lahat.Iwan ko sa kanya kung talagang minahal nga niya ba ako,Kasalanan ko ba na makaramdam ng ganito?, my doubt destroyed  everything between me and him.Kaya nung di na siya nagparamdam sakin agad-agad kung binura pati na ang into relationship status namin sa facebook.Nanahimik ako sa pag-aakalang okay na sa kanya ang lahat,mali ba yung ginawa ko?,but he push me away the last time we talked kasi daw lagi na lang ako galit every time nag-uusap kami.Aaminin ko naging palaaway din ako sa kanya,ginawa ko yun to push him para magkapakita siya sakin kahit 5 seconds lang but then wala talaga.Pagkatapos ng away namin wala na akong narinig sa kanya.

That's why i decided to block him on my facebook ,pati mga close friends niya tinanggal ko lahat to make me feel less miserable.Ginawa ko yun para mas tumahimik lahat samin at makamove on kami both.But someone told him about my updated facebook activity,in short may nagsumbong sa kanya di ko alam kung sino pero he found out everything.Halos magmura siya at pinamukha niya sa lahat ng tao na kasalanan ko lahat.Sinabi lang sakin ng best friend ko kasi friends pa sila nito sa fb.Nanginginig ako sa galit at inis sa kanya,but still i need to ask him bakit pa niya sabihin sa lahat ng tao na malandi akong babae.Pero sabi nga nila paggalit ang isang tao huwag mo na lang kausapin dahil babatohin ka ng di magagandang salita.

Pero dahil i still care for him at may respeto pa ako,ang sinabi ko lang."IM SORRY FOR THE THINGS I DID AT SANA MASAYA KA SA GINAGAWA MO NGAYON".The last word he said is Im a liar,maybe i lied to him ,yan yung di ko pagsabing nagbago na ang feelings ko sa kanya.Hindi ko naman pinagkakaila yun, but i don't deserve what he did to me.Of those 1 and half Years na naging kami di man lang niya inisip yung mga nagawa ko for him.I never expected of all the people na minahal ko at nirespeto nagawa niya akong sirain sa mga taong nakapaligid samin,but still im thankful for those friends who never leaved and judge me.

Isang linggo na ang lumipas ng mangyari lahat ng yun,wala na akong balita sa kanya kasi ayoko na ring malaman pa yun.Sa isang relasyon na litrato lang ang naging basihan para mahalin ko ang isang tao.Pero di yun naging hadlang at basihan sa pagmamahal ko sa kanya,Kaso may mga bagay talaga na di natin kayang hawakan.At alam ko na pagmahal mo ang isang tao kahit ano pa ang mukha niya di mahalaga yun,dapat ipagmalaki mo pa nga para sa taong mahal mo.

Di mo kailangan itago ang iyong mukha dahil nahihiya ka.Love is acceptance,di ko nman hiningi ang gwapong mukha tanging gusto ko lang ay ang makita kang nakangiti kahit di ka nahahawakan.Pero dahil mas pinili mo ang itago ito,naging komplikado lahat.Kayo nasubukan niyo na bang magmahal ng ganito?,Hindi madali magmahal lalo na pagmalayo kau sa isa't isa.Tiwala at walang pagkukunwari dapat ang maging batayan niyo para mas magiging successful ang relasyon niyo.

That was my litratong pagmamahal,sana may nakuha kayong aral.At sana bago niyo itago ang mukha niyo sa taong mahal niyo.Pag isipan niyong mabuti kung nakahanda ka bang isugal lahat kasi di madaling magmahal kung di ka totoo sa kanya.Tandaan minsan lang dumarating ang taong magmamahal sayo ng tapat kaya dapat maging honest ka sa kanya,walang tinatago at di mo kailangan mahiya kung sino ka kasi kung mahal ka ng tao nakahanda ka niyang mahalin kahit di ikaw ang nasa LITRATO.

note: This is my true to life story at ginawa ko lang to within 3 hours.Sorry sa mga nagbabasa kung may mali ang tagalog ko,nahirapan din akong magsulat.Sana nagustuhan niyo.  :))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LitratoWhere stories live. Discover now