Chapter 10

349 26 3
                                    

Chapter 10

July's POV

" No Shane, you're coming with me. "

" July. " tawag niya sa pangalan ko. Mas humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Nalulungkot akong makitang umiiyak nanaman siya. Putsak, ang hirap kayang pasayahin ng babaeng to tapos papaiyakin lang siya ng tatay niya? tatay? tatayan ata kasi patay na daw ang magulang niya eh? pero ang sabi nitong lalaki siya raw yung tat-- ayy ewan!

" Sorry sir. Ayaw po niyang sumama sainyo eh. " sabi ko nang kalmado sabay hinila ko rin si Shane ng kaunti. Napatigil naman siya sa paghikbi.

" Sorry? and who are you? sino ka para sabihan ako ng ganyan?! " putsak. Oo nga naman, sino ako para kumontra kung gusto niyang kunin yung anak niya diba? putsak naman oh -_-b

" let me go! " nagpumiglas si Shane kaya naman napabitaw yung tatay niya sa pagkakahawak sakanya. Bigla siyang nagtago sa likod ko.

" Hey kid. Umuwi kana sa magulang mo. Pabayaan mo kami ni Shane dahil usapang mag-ama to. Don't mess with me. " medyo nakakatakot yung tono niya. Masyado na siyang desperadong makuha si Shane. Parang di siya mapapagkatiwalaan.

" Sir, ayaw daw po niyang sumama sainyo. I'm sorry. " humarang ako sa tangkang pag-abot nanaman niya kay Shane.

" Get out of my face kung ayaw mong masaktan! " sigaw niya. Natakot naman ako pero mas lalo kong napagpasyahang hindi ibigay si Shane sakanya. Putsak yan, baka kung ano pang gawin niya kay Shane.

" I said out! What the! " inambahan na niya ako ng sampal, nagulat naman ako at ang initial reaction ko sa ganyan ay ang tumakbo, pero hindi ako makatakbo kasi pagatras ko naramdaman kong nasa likod ko pala si Shane. Putsak, napapikit nalang ako kasabay ng paghigpit ng hawak ni Shane sakin.

" I'm not giving you my sister, you sh*t " nakarinig ako ng boses sa unahan ko. Pagdilat ko may lalaki nang nakaharang saamin, hawak hawak niya yung kamay nung tatay ni Shane. Sister? siya ata si...

" Kuya "

" Shone " naibulong ko.

" oh Shone, my lovely son! come to papa. Kukunin ko na kayo ni Shane sa Mama mo. " sabi nung lalaki. Teka, para siyang may tama.

" you're drunk. And even in your wildest dream yan ang sinasabi mo? come on. Stop dreaming because that won't happen. Come Shane. " sabi ni Kuya Shone sabay hinila na niya si Shane.

" Tara na July. " tawag rin niya sakin. Natauhan naman ako at sumunod sakanila.

" Shone! Please. " sabi nung tatay nila pero patuloy parin ang paglakad namin, tapos tumigil saglit si Kuya Shone kaya napatigil rin kami.

" by the way, the next time you'll do this again I'm telling you, I might forget that you became my father. " sabi ni Kuya Shone sabay talikod pero humarap ulit siya.

" And one thing, stop pleading 'cause that won't work anymore. " tapos tuluyan na kaming naglakad paalis. Nakita ko namang napaluhod sa daan yung lalaki. Kawawa naman siya. Pero bakit kaya ganito sila?

***

" Here July. Yan lang yung kaya kong i-serve. Nag-day off kasi yung maids namin kaya walang magluluto. " sabi ni Kuya Shone sakin sabay abot ng isang mangkok ng noodles.

" Haha, ayos lang po, sana di napo kayo nag-abala pa. " sabi ko, pero tinanggap ko narin, nakakahiya nag-effort pa siya. Tinanong niya ako kung kumain na ba daw ako eh, sabayan ko daw siya. Syempre di na ako tumanggi.

" Si Shane po ba ayos na? " tanong ko.

" um. Nakatulog na siya. " sagot sakin ni Kuya Shone

" iyak parin po ba siya ng iyak? " tanong ko ulit.

The Lion Heart's ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon