KWATRO

691 15 20
                                    

KWATRO

--à MALL ß--

“Aira! Saan mo gustong kumain?” tanong ko sa kanya pagkapasok namin ng mall.

“Ikaw bahala, ikaw naman ang nagyaya eh”

“Sige. Tara, mcdo na lang tayo.”

“Sige!” sabi niya habang ngumingiti siya ng malaki sa harap ko. Para siyang bata. Hinawakan ko siya sa kamay niya at hinila siya papuntang mcdo.

Napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya, pero di ko pa din tinanggal. Ang sarap kaya hawakan, ang lambot-lambot. Siguro buhay-prinsesa talaga ito sa kanila. HAHAHAHA

Nakarating na kami sa mcdo at pinaupo ko na siya.  Ako na lang ang umorder. Pagdating ko sa table naming, nakita ko siyang may ka-txt.

“Sino ka-txt mo?” agad kong tanong sa kanya.

“Ahh. Wala, si Mike lang ‘to. Nangangamusta. ^^.”

Hindi ko alam pero parang nainis ako sa sinabi niya.

Teka lang, bakit naman ako maiinis eh si Mike lang yun?

Ano naman kung magka-txt sila? Paki ko ba.

Kumain na lang kami pagkatapos niyang sumagot sa tanong ko.

“Tapos kana?”

“Oo. Salamat sa libre.”

“Saan mo gusting pumunta?”

“Ikaw bahala.

“Naku. Saan yon? Mukhang malayo yun ah?” pagbibiro ko sa kanya.

“HA-HA! Funny Mike!”

O.O

“I-I mean Zac!”

Nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi ko ito pinahalata.

“Psh!  -_______- Kamukha ko bay un? Mas gwapo naman ako dun uh?”

“Sorry.”

“Okay lang. Ano ka ba? Nagbibiro lang ako. ^__________^”

Ngumiti siya. Pero parang pilit. Pero bakit ganun? Nung pagkasabi niya ng pangalan ni Mike, parang may kumirot.

May naramdaman akong kumirot sa may dibdib ko.

Tss.. Kung ano-ano iniisip ko.

Dahil ako daw ang bahala kung saan kami pupunta, dinala ko siya sa Timezone. Bumili ako ng card at agad itong nilagyan ng laman para makapaglaro kami.

“Ano gusto mong laruin?”

“Tara dun! “Sabay turo niya.

“Saan?”

“Dun! Tekken tayo.”

O.o

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Oh bakit ganyan itsura mo?”

“Naglalaro ka nun? Panlalaki yun uh?”

“Bakit hindi ba pwede laruin ng mga babae yun?”

Nagulat ako, wala kasi sa itsura niya na naglalaro siya ng ganun.

At yun na nga, naglaro na kami.

Shooot!!!

Muntikan pa akong matalo dun uh. Wew!

Pakatapos nun, naglaro pa kmi nang naglaro.

“Zac! Tara! Basketball tayo! Pataasan ng score!”

KUNDIMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon