UNO

1.3K 21 21
                                    

UNO

Ako nga pala si Zac Lee, 16 years old at isang senior. Gwapo, gentleman, mabait,sweet at higit sa lahat normal akong tao, pero isa lang ang hindi normal, ang tawag saking ng mga tao, ”Si Zac ang heartbreaker”,  yan ang pagkakakilala sakin ng mga babae sa paligid ko. Ewan ko ba pero ayaw ko kasi sa serious relationship, gusto ko kasi na sila lang ang magmamahal. Ayoko magmahal, ayoko kasi matulad sa kinahantungan ni Kuya Nathan. Nakita ko kasi kung paano siya nasaktan at iwan ng babae. Kaya para hindi ko maranasan, hindi ako nagmamahal pabalik sa mga taong nagmamahal sakin. Hindi ko naman sinabi na mahalin nila ako eh. Sadjang malapit lang ako sa mga babae kaya akala nila pagmamahal na ang pinapakita ko.

Masaya naman ako sa buhay ko. Gising, kain,pasok, dota at tulog. Yan ang routine ko sa buhay araw-araw. Pero may isang tao na nakapagpabago nito.

August nung taong 2***. May nakita akong bagong mukha sa hallway. Maganda siya, mahinhin tignan at mukhang mabait.

“Josef! May bago ba tayong classmate?”

“Oo ata? Yung transferee ata galing Manila”

“Ahh ganun ba.”

“Tol! Ang ganda nung nakasalubong ko kanina, parang angel na bumaba ng langit.” Sabi ni Mike habang nakatingin pa sa taas at kung totoo lang yung kumikinang na mata, ay yung ang meron siya.

“Sino naman?” tanong ni Josef

“Iyong transferee. Basta crush ko na yung ah! Mga bok! Walang talo-talo! HAHAHAHA! Sige hanapin ko na muna ang magiging prinsesa ko! HAHAHAHA” sabi ni Mike sabay alis

“Nakita mo na ba yun?” tanong ko kay Josef

“Hindi pa. Pero parang sa deskripsyon ni Mike eh maganda siya. Alam mo naman  yon bibihira lang magkagusto sa babae kaya garantisadong maganda talaga!” Josef

“Maganda naman talaga yung babae eh”

“Nakita mo na?”

“Oo. Kasalubong ko kanina sa hallway. Yun ata yung tinutukoy ni Mike eh.”

“Oh! Mike bakit ka bumalik?”

“Naiwan ko kasi ang puso ko sa’yo Josef! HHAHAHA”

“Tarantado! Di tayo talo!”

“Mike, type mo ba talaga?” tanong ko kay Mike

“Bakit? Hindi naman, baka kasi mamaya kasing pangit ni Josef ang ugali non”

“Good.”

“Bakit popormahan mo?”

“Oo?”

“E paano si  Camille? Kala ko seryoso ka na dun?”

“Asa! Ako magseseryoso? Psh! -___-“

“Tss. Wag magsalita ng tapos.Baka kainin mo yan, hindi yan masarap! HAHAHA” Mike.

*PRRRIIINNNGG*

“Good Morning class!”

“Good Morning Sir!”

“Kamusta ang weekends niyo? Ginawa niyo ba homeworks niyo? At blah blah blah, blah blah blah!” hindi ko na inintindi sinasabi ni Sir, nakakatamad eh

“And….. Oh, class may bago pala kayong classmate hindi niyo sinasabi.”

Bago? Asan ?

Hinanap ko yung bago na sinasabi ni Sir at

AYUN! Nakita ko na.

Tama nga, siya yung kasalubong ko sa hallway kanina.

“Tol! Siya yung sinasabi ko sayo” bulong sakin ni Mike

“Miss, can you go here infront and introduce yourself?” tanong ni sir sa kanya.

Agad naman siyang tumayo at pumunta sa harapan ng klase.

“Miss ?” tanong ni Sir

“Madrigal” sabi ko. Agad naman napatingin si Sir sakin pagksabi ko nun.

“You know her Mr. Lee?”

“Yes/No” sabay naming sabi.

“I- I mean, yes I know her, Right Ms. Madrigal?” at tinignan ko siya ng nakakaloko.

Natatawa ako sa naging reaction niya. Ang bilis niyang mapikon . HAHAHAHA

“Whoa! Tol, paano mo nalaman ?” bulong sakin ni Mike

“Ayun oh! Kita sa notebook niya!”

“Ahh. Oonga no! Akala ko pa naman . HAHAHA ang bilis ng moves mo tol ah! HAHAHAHA”

“Ganun talaga, Ang gwapo ko kasi eh” sabi ko

“Hi Miss!” sigaw ni Mike sa klase.

Agad naman siya tinignan ni Ms. Madrigal at tumingin na parang nagtataka.

“Miss, San ka galing?” tanong ni Mike

“A-ah. Sa Manila” sagot niya.

“Ah. Ganun ba ? Akala ko kasi angel ka na nagmula sa langit, agad mo kasing pinatibok ang natutulog kong puso! ^____________^” banat ni Mike

Loko talaga ‘tong taong ‘to. Walang magawang matino sa buhay. HAHAHAHa

“Ayiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeeee” sigaw ng buong klase

Sanay na kami jan kay Mike, halos lahat ng transferee ginaganyan niya .

Namula naman si Ms. Madrigal sa sinabi ni Mike.

Tss. Iba din karisma nitong ugok na ‘to ah.

“Enough class. Miss, please introduce yourself.” Sabi ni Sir habang nakangiti

“A-ah. Hi! Ako nga pala si Aira Mae Madrigal. 15 yrs. Old.”

“Hi Miss Aira! May boyfriend ka na ba?” tanong ko sa kanya

“Whoo. Bilis mo din tol!” sabi sakin ni Mike.

“………” hindi siya sumagot, mukhang ang sarap asarin nito uh

“Wala pa? Ganyan ka ba? Pagkatapos kitang sagutin nun isang araw kinakahiya mo na ko? Di ba kaya ka nagtransfer dito para makasama mo ko. ^____^” sabi ko sa kanya

Agad naman nagtawanan ang mga kaklase ko pati si Sir. Alam naman kasi nila na nagbibiro lang ako. Ganyan talaga kami pag may bago sa klase.

Napatulala siya sakin dahil sa sinabi ko at

“Stupid Jerk!”

Narinig kong sabi niya.

See? Pikon nga siya . HAHAHAHAHA

“Okay class. Enough for the warm welcome for Ms. Aira. Miss, Aira, you can take your seat now. And masanay ka na sa mga kaklase mo, especially kay Zac and Mike ganyan lang talaga yang dalawa na yan.”

At nagproceed na kami sa lesson.

 -------

A/N:

Ehem!

Bukas na ulit ang kasunod . HAHAHA

Everyday ang update guys.

and SHORT STORY lang to, AS IN SHORT :)

VOTE! && COMMENTS GUYS!

THANKS! xD

KUNDIMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon