[13] Cheering for Vans [13]

232 7 1
                                    

*Ryllie*

6:30 pm, nagsimula nang magpapasok sa venue… Kinakabahan ako ngayon… Hindi sa iisipin ng ibang tao. Well partially oo kase… Sa satella na ko nag-aaral pero Vans pa rin ang sinasalihan ko. Well they can’t blame me… I consider Van as… well…

Vans Academy shaped me… Ipinakita sa akin ng Vans na hindi lahat ng tao ma-p-pleas mo… na hindi sa lahat ng oras ikaw ang bida… They treated me fairly at Vans, and for that I was able to show the real me without hesitating.

Nasa Locker room kami kung saan nakalaan lang yun para sa Vans, nasa kabila naman yung sa Satella… Naririnig ko ung mga cheers sa labas. Tinabihan ako ni Stephen at hinawakan yung kamay ko. With him I can be a total bitch or what so ever… most probably because he’s one conceited jerk.

“nakakapansin na ko… kanina ka pa chumachansing… If girls from other school’s sees what you’re doing to me… Mapupuno nanaman ako ng hate chains.”Malamang girls from other schools… alam na kasi ng schoolmates naming, I mean yung school mates nila yung ugali nya.. so they won’t fall for him

“And do you think I care? Tss.” Pumasok na si coach at tinawag na kami. Di pa rin nakabitaw sa kamay ko si Stephen… parang bata.

Di ko rin alam… I hate guys… pero kase, si Stephen, tolerable naman kahit papaano.

“Okay… Andito lahat ng 4 campuses ng Deck Group of Companies excluding Vans, pati mga acting directors andito rin silang lahat… at lahat sila naghihintay sa pagkakamali nyo”

Ang Deck group of companies… consisting of 5 joint companies… At yun ay ang… Vans, Satella, Lilac, Pristine at Nigiri. To strengthen up their companies, bumuo sila ng tig iisa nilang schools and named it after the company’s label. Kahit nung simula palang matindi na talaga ang tungalian ng schools namin sa mga ganitong bagay, Sports, quiz bee… name it.

At bakit? Yearly ang nananalong school… binibigyan ng pagkakataong makapunta isa sa pinaka prestilyosong resort sa buong mundo o di kaya… kahit saan… The prize is really grand

“I want you guys to prove them wrong… na hanggang ngayon buhay pa rin ang Vans Aces!” Inilagay naming ang kamay naming isa isa sa harap at nag cheer. Lumabas na kami sa locker room… din a sumama sa akin si Stephen papalabas.

Kahit na ang lamig lamig sa stadium, nag iinit pa rin yung katawan ko… Nakapila na kami ng maayos sa likod ng pintuan at… Isinigaw na ang pangalan ng Cheerleading Squad namin.

“Let’s all welcome… The VANS ACES!!” sobrang lakas ng cheers at hoots ng lumabas kami, pinatugtog na rin ung sobrang lakas naming tugtog. Karamihan sa mga nakikita ko estudyante ng Satella… lahat sila nagtataka kung bakit ako kasama…

Sa unang beses… bumilis yung takbo ng puso ko sa araw na ito… Nakatingin sa akin si Noah… at tanging nasa sa akin lang sya nakatingin… nagkakamali na ko… buti nalang ganun ako ka galing na hindi magpahalata. Hanggang sa… binuhat na nila ako at itinapon sa ere.

Nakatingin pa rin ako kay noah… na para bang… sobrang nasasaktan sya ngayon.

Noah and other thingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon