Chapter 1

19 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Cy's Point Of View



Hinanap ko ang ticket machine nang makapasok ako sa loob ng South East Railway Station. Habang kumukuha ng ticket napansin ko na nakapako ang kanilang atensyon sa suot kong school uniform. Black coat with red lining na hindi lalagpas sa skirt, symbolizing the crimson moon. Sa harap nakalagay ang name plate at sa ibaba nito ang logo ng academy. White long-sleeve polo shirt ang panloob na may kasamang necktie na black-red checkered at sa pang-ibaba ay ang black-red plaid pleated skirt na may checkered pattern na hindi lalagpas ng tuhod. The unique school uniform of MAYHEM Academy.



Nang makuha ko ang train ticket at makabili ng pagkain dumiretso na ako sa ibabang bahagi para maghintay sa pagdating ng tren. Mabilis kong hinubad ang coat dahil imbes na sa akin ang atensyon nila ito ang pinagtitinginan nilang lahat. Mas sikat pa 'tong suot ko kaysa sa'kin, kasabay nito ang biglang pagtunog ng cellphone ko. Inilagay ko sa aking tainga ang earphone at sinagot ang tawag.



["Where are you?"] napabuntong hininga na lamang ako nang marinig ang boses niya.



["Aren't you going to say hello?"]



["Drop the greetings and answer the question."] hindi ko gusto kung saan papunta ang usapan na 'to.



["I'm at the subway station. I'm just waiting for the train."]



["Then go straight to the academy once you arrive."] napangiti ako nang masaklap. Ordering me like a kid, wow.



["Why would I listen to you?"] 

The Rules Of Tadhana and The Seven Playing CardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon