Chapter 2

9 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Cy's Point of View



Mabilis akong pumasok sa loob ng suit namin at naglakad sa corridor. As usual, ang daming nagtsitsismisan sa gilid, nagtatawanan na parang wala ng bukas, tumatakbo sa gitna ng hallway na para bang playground ang lugar na 'to. 



Dumiretso ako sa locker ko habang nakikinig sa mga tsismis sa paligid. Hindi ko man gustong makinig, wala akong choice. Ang lalakas ng boses nila. Hindi uso ang bulungan.



"Kung hindi ako nagkakamali may magta-transfer dito na galing St. Josh." 



"Ang sabi pa, ni-recruit daw siya mismo ni Eve."



"Until now, wala pa raw silang nahahanap na kapalit ni Guevarra. Wala ring malakas ang loob na palitan siya."



"Ang tagal na rin nung huling sumali ang school natin. Kailan kaya ulit mangyayari 'yun?"



"Sa tingin mo ba makakapasok ang volleyball team this year? Medyo mabigat ang nangyari sa kanila last play-offs."



"Ang sabihin mo, kung makakapasok ba sila sa lineup this year ngayong wala silang team captain."



Napailing na lang ako sa mga halo-halong usapan sa paligid.



Ang suit namin ang pinaka-maingay, pinaka-magulo, pinaka-makalat, pinaka-pasaway, pinaka-maraming alam despite having most of the SSC members. Ano 'yung pinaka-worst? Well, nasa amin lang naman ang pinaka-istriktong teacher ng senior high. 

The Rules Of Tadhana and The Seven Playing CardsWhere stories live. Discover now