{6} Preconcert Issue

9.6K 99 9
                                    

Gabby's POV

KRRRRRIIIIIIIIIINNGGGGGG

"Ok class, don't forget to post your video project! I will only wait until 11:59 pm. No excuses! Good bye class and have a great vaction. See you all in a week!" sabi ng science teacher namin sabay sigawan ng mga classmate ko

"WOOOOO!!! SEMBREAK NA!!!!"

"WALANG MGA ASSIGNMENT!!!"

"KAIN LANG NG KAIN!!!"

"FREEDOM!!!"

Marami pa akong narinig na mga hiyawan pero di ko masyadong pinansin. Bakit kamo? Ako kasi ang naasign na gumawa nung video project ng group namin. Wala raw kasi akong tinulong. Kasalanan ko bang mabundol ng lintik na jeep na yun at di makapasok ng dalawang araw? Dapat si hoodie ang gumawa nito eh! Kala niya ligtas na siya at ang tropa niya sakin? Hindi pa. Ano sila chix?

"Huy Gabby layo ng tingin mo ah!!!"

"AY KABAYONG PALAKA!! Bwiset naman tong si Sasa. Pwede naman kasing hindi mang-gulat diba po?!"

"Walang basagan ng trip! Lahat hyper samantalang ikaw, parang namomroblema diyan."

"Iniisip ko yung project ng group natin. Matatapos ko kaya yun mamaya? Eh matutulog kayo ni Lou samin!"

"Kung makapagsalita ka parang dahilan kami ni Lou para magunaw ang mundo mamayang gabi ah! Tsaka ano bayan Gabby! Editing lang naman gagawin mo. Kami nga ang gumawa ng finished product at nagfilm eh." sagot nya

"Oo na, oo na po. Wag mo nga akong sermonan Saorise! Baka nakakalimutan mo, hawak ko ang ticket mo para sa concert bukas!!!"

"Sorry nama Gabs! Wag kang mag- alala, hindi ka namin guguluhin mamaya. Gusto mo tutulungan ka pa ni Stella?!"

"Hoy bakit narinig ko pangalan ko?!" sabat ni Stella

"Ikaw Stella, tulungan mo si Ate Gabby mamaya sa project." utos ni Sasa

"Ano ka, boom?! Ayoko nga! Ako na nga ang sumagot ng mga guide questions, pati ba naman sa pag-edit tutulong ako?" sigaw ni Stella

"Oo! Kung gusto mong makita yang 'Niall-My-Luvs mo', tutulong ka sakin!!!" sabi ko.

"Oo na po. Tutulong na." sagot niya

Simula ng makalabas ako ng ospital nalaman ko na pwede ko palang iblack mail ang tatlong ito gamit ang tickets nila!! Nasakin pa kasi ang tickets. Kaya lagi nila ako sinusunod! Mwahahahaha!!!!

Akala ko nga ok na ang lahat paglabas ko ng ospital. Na babalik na lahat sa dati. Yun pala hindi!!!

Una, natanggal ako sa soccer team!!! Pangatlong absent ko na raw kasi yung absent ko na yun nung araw na nakilala ko si hoodie.

Pangalawa, pinalayas kami ng napakabait naming tita Emerald! Panu ba naman hindi pala nilock nila Stella yung pinto nung pumunta silang ospital. Nalooban tuloy kami! Walang natirang pera at alahas! Mga tonta!

Buti na lang natawagan namin ate ni Stella. Kaya tutulungan niya kami. Sa ngayon, sa hotel muna kami habang di pa nakaka-uwi ate niya.

Pangatlo, mas lalong napadalas ang mga landian ng tatlo tungkol sa 1D na yun! Walang pahinga, rat-rat lang ng rat-rat!! Pano pa bukas sa concert? Babalik ata akong ospital pagkatapos nun.

Higit sa lahat, ang pinakaproblema sa lahat ng problema! Hindi ko mahanap yung baby pic ko sa wallet!!! Yun pa naman yung nakahubad ako at maliligo na! Ah nakakahiya namaaaaaan...... Kung kilala mo yung nakakuha pakibalik naman sabihin mo. Malaking bagay yun sakin promise!

One Direction Say Whaa? (Tagalog One Direction Fan Fiction) *on hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon