{15} Charo, Ikaw Ba 'Yan?

7.8K 95 18
                                    

STELLAs POV


"Namiss ko ang sinigang! Ang sarap-sarap ng luto ni Ate Gabby." sabi ni Yesha. "Tumigil ka nga diyan, Yesha. Hindi naman masarap 'to. Siguradong gutom ka lang kaya masarap ang dating sa iyo." dagdag ni Kuya Shane

Binatukan ko siya. "Tange! Kapal ng mukha mo ah. Nagsalita ang magaling magluto."


"Aray naman! Sarili kong kapatid. Sarili kong kapatid! Hindi naniniwala sa kakayahan ko." sabi niya tapos umiling-iling ang kanyang ulo. "Kakayahan na ano? Kakayahan sumunog??" sagot ko. Totoo kaya! Lagi na lang siya nakakasunog sa kusina. Walang ligtas sa kanya. Kahit ata tubig masusunog nito! Di kasi matuto-tuto magluto. Magbe-bente naman na. Katanda-tanda, kahit instant noodles di maluto! Sa Korea pa yan nakatira. Haaay hiyang-hiya siguro ang mga Koreano sa kanya.

"Sobra ka naman! Eto lang ang masasabi ko Stella Gail Lawrence at ipasok mo ito sa kokote mo. May fire alarm sa bahay kaya wala na ako maaring masunog!!"

I rolled my eyes at that one. "Of course."


"Nga pala, musta na si Gabs? Okay na ba siya pagkatas mabundol ng jeep?"

"Yun pa! Matigas kaya bungo niyang babaeng yan." sagot ko. "At tsaka don't forget, si Wonder Girl yan!"


"Kelan pa nabinyagan ng bagong pangalan si Gabby?" tanong ni kuya. Sinagot siya ni Yesha, "Simula nang maging super hero si ate! Ano ka ba?"


"Asus! Anong super hero? Wala pa naman akong movie na napapanood tungkol sa kanya!". Tinaas ko kilay ko. "Kapag super hero, movie talaga agad?"

"Edi palitan natin. Gawin nating comics. Wala pa naman akong nababasang comics na siya ang cover!" Kinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat ng pangyayari kung bakit nabansagan si Gabs na 'Wonder Girl'. Ayokong magmukhang tanga kuya ko. Tanga na nga, madadagdagan pa. Wawa naman diba? Syempre meron ding tulong from Yesha ang pagkukwento ko! Certified Directioner din yun, noh. All thanks to yours truly!


"Ha?? Who, what, why, when?? Bat di ko yan alam??" ang paka-oa na komento ni kuya pagkatapos marinig ang background story ni Wonder Girl. "Eh kasi wala namang nag-istorya sa iyo obvious ba?" sigaw ko


"Loko yung mga yun ah! Kapag nakwento ko yan sa kuya ni Gabby nako lagot sila!"

"Alam naman niya ah." sabat ni Yesha

"Alam niya?" tanong ko. Umo-o si Yesha at nagsalita si kuya, "Bakit ako lang ang huli sa balita?"

"Ba malay ko sayo! Masyado ka kasing busy magpa-cute sa mga koryana na puro piki naman." sigaw ko


"Baby sister, baby sister. Una, hindi sila piki. Karamihan lang pero meron ding hindi. Pangalawa. Mahirap magpa-cute, alam mo yan! Dapat precise ang porma at pag-project mo. Hindi lahat nakaka-achieve ng ganoong estado. Pawang mga propesyonal lamang!" Nagpaliwanag pa!

"At ikaw ay propesyonal?" inosenteng nagtanong si Yesha. "Aba oo naman Yesha!! Tamo Stella. Pano ba yan? Obvious na obvious." Sa panahong ito, ang sarap sampalin ng kuya ko. I swear kapag di ako nakapagpigil!


"Anong obvious? Kaya nga ako nagtanong eh! Ipapahanap ko sana sayo kung san banda para i-share mo rin samin. Nang sa ganoon ay pare-parehas tayong nagkaka-intindihan!" Boom! Ang galing-galing talaga sumagot ni Yesha. Mana sa ate niya! "Bullseye! Gimme five Yesha!!!"

One Direction Say Whaa? (Tagalog One Direction Fan Fiction) *on hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon