CHAPTER 42: Hatred

24.6K 360 18
                                    

CHAPTER 42: Hatred

 

“Are you sure about this?” – paninigurado ni Tj sa pinsan niya.

“Wala ng dapat pag isipan jan. Kung kailangang mamatay siya sa kulungan, mamamatay siya.” – seryosong sabi ni Matthew habang umiinom ng alak, tatlong araw na rin ang lumipas simula ng ipaalam niya kay Alexis ang totoo, hindi na rin sila nakapag usap pa pagkatapos nun.

Hawak ngayon ni Tj ang cd na naglalaman ng mga ebidensya tungkol sa pagkamatay ng Daddy ni Alexis, ibibigay na niya ngayon ito sa Attorney ng family nila. Hindi kasi pwedeng ipagkatiwala ni Matthew ang CD na yon sa Attorney nila, dahil alam nitong ipapadaan nun sa Daddy niya ang lahat ng ibibigay niya.

“Sige, pupuntahan ko na si Attorney Cruz.” – sabi ni Tj, at agad ng umalis sa bahay nila.

Sobra sobra ang nararamdaman niyang galit sa ama. Kinamumuhian niya ito, hindi siya makapaniwala na papatay ‘to para lang sa pera..

“Kuya!!” – biglang sumigaw ang kapatid niya na kadadating lang galing sa school.

Tinignan niya lang ito at ipinagpatuloy ang pag inom..

“Nag iinom ka nanaman Kuya..Hindi parin ba kayo bati ni Ate Alex?” – malungkot na tanong ni Myx.

“Hindi na kami magkikita kahit kailan..” – sabi ni Matthew at saka tinungga ang brandy sa baso niya at nagsalin ulit.

“Huh? Bakit naman?” – tanong ni Myx.

Napatingin lang siya sa kapatid niya, ayaw niyang mangyari dito ang nararanasan niyang sakit ngayon.. Masyado pa ‘tong bata.. Alam niyang masasaktan ang kapatid niya kapag nalaman nito ang itinatagong lihim ng Daddy nila.. Pero kailangan niyang itama ang lahat.. Tumayo nalang siya at lumabas ng kwarto niya para iwasan ang maingay niyang kapatid.. Pumunta siya sa garden nila at dun itinuloy ang pag inom..

*BEEP.BEEP!!*

Agad binuksan ng maid nila ang malaking gate, ang sasakyan ng Daddy niya ang bumungad sakanya.. Nakangiti itong bumaba..

“Look who’s here.. My son..” – bati nito.

“Mukhang masaya ka.” – sarcastic na sabi niya ng hindi manlang ito nililingon. Nakatuon lang ang mata ni Matthew sa mga halaman ng Mommy niya, hawak nito ang baso ng brandy, at ang isang kamay ay nakapamulsa.

“Yes son! Finally, pumayag si Mr.Chua! Oh? Akala mo ba hahayaan lang kita na sirain ang mga plano ko?” – nakangiting sabi ng Daddy niya.

Numb is inWhere stories live. Discover now