CHAPTER 8: TRUTH ?

34.4K 599 25
                                    

CHAPTER 8: Truth?

 

SI TJ sa right side -->>>



LIAN’s P.O.V

“T-tj?!” – siya nga !

Nagmadaling lumabas si Tj ng elevator habang hawak hawak ang kamay ng isang babae. At si Nezza ang babaeng yon.

Hinabol ko siya at hinila sa braso.

Tumigil siya.

“Nezza,mauna ka na sa coffee shop susunod nalang ako.” – sabi ni Tj.

Tumango si Nezza kay Tj, at tinignan ako mula ulo hanggang paa! Lechugas! Baka ingudngod ko yung pag mumuka niya sa semento! Haliparot na babae!

“Anong ginagawa mo dito?” – malamig na tono ng boses ni Tj.

“Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan?” – sabi ko.

Tumalikod si Tj, at humarap ulit sakin.

“Kasama mo ba siya?” – tanong niya na may pag aalala sa mukha.

Tumango ako.

“Hindi kami pwede magkita.” – sabi niya.

“Tanga.” – sabi ko.

“What?!?” – Tj.

“Sabi ko tanga ka. Ayaw mong magkita kayo ni Alex?! Hindi mo ko maloloko Tj, alam ko ang lahat.” – sabi ko.

Marahang lumapit sakin si Tj.

“Anong ibig mong sabihin?” – siya.

“Si Nezza! Gag* ka Tj! Tanga!” – sabi ko.

“Lian!” – banta niya.

Numb is inWhere stories live. Discover now