Kabanata 16

2.5K 102 72
                                    

Kabanata 16
Questions

Maaga akong nagising ngayon para diligan ang alaga kong sun flower na unti-unti ng lumalaki. Mahahaba na ang tangkay nito at may maliliit ng dahon, ngunit wala pang bulaklak. Aakalain mong isa lamang itong ordinaryong halaman. Hangang-hanga nga si lola dahil napapalaki ko ito ng maayos.

Pero ano na kaya ang mangyayari ngayong alam na rin ni Sev na may gusto sa kanya si Nathalia, gusto ni Vincent si Nathalia at gusto ko naman si Vincent?

"Don't ever tell it to your friends, Severino!" banta ni Vietta.

Lumabas naman si Sev sa kubo. Ipinamulsa ang mga kamay niya at saka muling nagpasalit-salit ang nanghuhusgang tingin niya sa amin ni Vietta. Hindi ko magawang salubugin iyon sa sobrang hiya.

"Hindi ko ugaling ipagsabi ang mga sikretong nalalaman ko." aniya, bago niya kami iwan ni Vietta.

"Sybelle, nalulunod na ang sun flower mo."

Nagbalik ako sa sarili ko nang marinig ko si lola at ibinaba ang tingnan ko sa dinidiligan kong halaman.

"Hala!"

Tumigil ako sa pagdidilig at agad ibinaba ang tabong hawak ko. My God! Umaapaw na ang tubig sa paso at tinatangay nito ang iilang lupa.

"Sorry, Ms. Sun flower."

"Pupunta ako sa centro, baka may ipabibili ka?" ani lola.

Nilingon ko siya na isinasampay ang ilang basahan sa alambreng nakakabit ang magkabilang dulo sa nakatungkod na mga kawayan.

"Sasama na lang po ako. Marami po akong bibilhin, eh. Baka po mahirapan kayo."

"Kung ganoon ay magbihis ka na at baka tanghaliin tayo."

Wide leg jeans na may tastas sa dulo ang naisip kong isuot, kapares ang kulay rosas na sleeveless at ang chunky sandals ko na black ang isinuot kong pantapak. Ipinusod ko naman ang buhok ko, inipitan ito ng itim na claw clip na kumapit sa ipinaikot kong buhok, sa likod. Ang sabi pa nga ni lola ay para raw pinya ang buhok ko kapag ganito ang tali.


Habang nasa tricycle kami ni mang Arman papunta sa centro. Napapikit ako at sinamyo ang malamig na hanging, dala ang bango ng isang bagong umaga. Napakapayapang tignan ng mga berdeng kabundukan, malalawak na kapatagan at taniman. Parang gusto kong tumakbo roon at magpaikot-ikot habang nakalahad ang aking mga braso, nakatingala at tumatama sa mukha ko ang sikat ng araw.

Nasa gitna ako ng pangangarap nang may makita akong nagpapastol ng mga tupa. Si Sev agad ang una kong naalala.

Si Sev na ngayon ay alam ng gusto ko si Vincent, gusto ni Vincent si Nathalia at si Nathalia na ang gusto ay siya. Hindi siya mawala sa isip ko.

Hindi naman siguro niya ipagkakalat iyong mga narinig niya. Mukha namang hindi siya ang uri ng lalaki na nagkakalat ng lihim. Pero ano na kaya ang mangyayari ngayong alam na niya ang totoo? Sana wag niyang iwasan si Nathalia, ayokong makitang nalukungkot ang kaibigan ko. Nathalia is so soft, she doesn't deserve to get hurt.

Tama kaya na hindi namin sinabi ni Vietta kay Nathalia na alam na ni Sev na gusto siya ng kaibigan ko?

Sa carinderia kami ni tiya ibinaba ni mang Arman. Kumain pa kasi kami ni lola ng almusal at pagkatapos ay nagtungo na kami sa palengke.

Dahil may ilang project akong gagawin ay namili ako ng ilang school supplies. Mahirap ng maubusan dahil wala namang tindahan ng school supplies sa amin kung di rito lang sa palengke.

"Baka may nakalimutan ka pa, apo?" tanong ni lola sa akin.

Ngumiti naman ako at umiling. "Wala na po, la."

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now