Kabanata 15

2.4K 101 73
                                    

Kabanata 15
Not sorry

Nalaglag ang balikat ko nang ianunsyo na ni ma'am Gutierez ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa cake tasting na naganap kahapon. Nakakalungkot na hindi kami ang nanalo.

"Sayang." si Vietta na bakas ang panghihinayang sa mukha. Nakabusangot ito, nanghahaba ang nguso at laglag ang mga balikat, tulad ko.

Tatlong boto lang ang lamang sa amin ng grupong nanalo.

"It's okay." inakbayan ni Nathalia si Vietta at tinapik tapik ang balikat niya. Masyado kasi itong apektado sa pagkatalo namin. "Ang importante, narunong na tayong gumawa ng cake. Pwede ka ng gumawa anytime you want, kasi may oven naman kayo." pagpapalubag loob niya kay Vietta.

"Wait nga lang. I'll tell my brother that we didn't win."

Naglakad si Vietta patungo sa likod kung saan nakalagay ang mga bag namin. Kinuha niya sa bag niya ang kanyang beeper. Nagtungo siya sa isang sulok at doon naupo. Sumandal siya sa pader at kinalikot ang kanyang beeper.

Masyadong busy si Vincent kaya wala siya ngayon dito para alamin ang resulta. Ang mga student council kasi ang namamahala sa horror house doon sa gymnasium. Balak nga naming pumunta roon bago kami umuwi.

"Kailangan na nating mag prepare ng narrative report." nakangiting sabi ni Nathalia sa akin.

"Tama. At kailangan din nating tapusin ang main event mamaya." naihilamos ko ang mga palad ko.

Wala talaga kaming balak na manood ng main event mamaya. Gusto ko na kasing umuwi ng maaga at makapagpahinga, pero dahil may narrative report kami ay kailangan naming manatili rito.

"Oo nga pala. Kailangan kong tumawag sa bahay. Ikaw, paano mo tatawagan ang lola at tiya mo?" Nag-aalalang tanong ni Nathalia. Alam niya kasing wala naman kaming telepono.

"Inabisuhan ko naman sila na baka gabihin ako ng uwi."

"Alam mo, dapat bumili ka na rin ng beeper."

Pinaikot ko ang bimpo ko sa dulo ng ballpen na hawak ko. "Ang sabi ng tiya, ibibili niya raw ako kapag nagpadala na ang papa ko."

"Maganda yan. You really need it. At saka para mas madali na rin kitang macontact if ever na namimiss kita."

Nginitian niya ako at saka malambing na niyakap. She's really sweet.

"Pasali naman ako!" ani Vietta sa himig na nagtatampo.

Inilahad naman namin ni Nathalia ang magkabila naming kamay upang isali siya sa yakapan namin.

Ilang saglit kaming nagyakapan hanggang sa unang kumalas si Vietta. "Come on, let's get out of here." yaya niya.


Dahil last day na ngayon ng foundation celebration. Muli kaming naglibot sa quadrangle. Naghanap ng makakain. Hanggang sa makita namin ang STARS.

Naroon sila sa gilid ng marriage booth. Masayang nanonood sa mga kunwaring ikinakasal doon. Mukha pa ngang sila ang may kagagawan ngayon sa nangyayaring kasal kasalan sa pagitan ng isang matabang lalaki at maliit na babae.

Kasalukuyan ng nagpapalitan ng singsing ang dalawa. Singsing na parang free lang yata sa isang tig pipisong chitchirya.

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."

Naghagalpakan sa tawa ang grupo nila Sev habang pumapalakpak at sumisigaw.

"Lips to lips! Lips to lips! Lips to lips!" Sabay-sabay at paulit ulit nilang sigaw.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon