CHAPTER 27

11.6K 369 11
                                    


KIRA POV

Nakasimangot lang ako buong araw at hindi ko pinapansin si sky

Tsk! bahala sya sa buhay nya pwede naman nya akong itago sa loob ng palasyo nila o kaya safe na lugar hindi yung aalis pa kami ng bansa hmp!

Andito ako ngayon sa kwarto nag iimpake ng mga damit ko

Tuloy tuloy na talaga ang alis namin

Gusto kong magwala at umiyak ayokong mapalayo kay sky ewan ko kung bakit siguro dahil to sa pagbubuntis ko

Pero wala na kong magawa
Buo na yung decision nya kainis sya! Kainis!

"Baby"naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod sa boses pa lang alam ko na kung sino ito

"Bitaw,alis dyan may ginagawa ako"matigas kong sabi at tinulak sya

"Baby stop frowning"sabi nito at hinalik-halikan ako sa leeg

"Sabing bitaw sky nakikita mong nag iimpake ako kasi diba gusto mo na akong umalis kaya wag kang magulo"inis kong sabi sa kanya

"Baby alam mong ayaw ko ring umalis ka pero para to sa baby natin"sabi nya ng seryoso

Doon na ako napaiyak bakit ba sa simpleng bagay lang umiiyak agad ako kainis!

"Oo nga para sa baby natin!! (Sob*) pero pano pagbalik namin dito wala na syang madadatnan na ama huh!?(sob*) pano na yung baby natin?"tanong ko ng umiiyak

"Baby stop thinking that"sabi nya at pinunasan ang pisngi ko

Pero tinabig ko lang yung kamay nya

"Damn it!"mura nito

"Yan ang problema sayo kira wala kang tiwala sakin pinapangunahan mo na agad ang bagay bagay na hindi pa nangyayari! Sa tingin mo ba gugustuhin kong ipadala ka sa ibang bansa! Hindi ko kaya pero kailangan dahil yun lang ang paraan para mapalayo ka sa kapahamakan at yang sinasabi mo na mamatay ako!? Akala mo ba gugustohin ko ring mamatay!?
Hindi kira dahil iniisip kita iniisip ko ang magiging anak natin!!"galit nitong sigaw at lumabas ng kwarto

Napahagulgol ako at napaupo sa kama

Tama sya kira wala kang tiwala kay sky!!
Sigaw ng konsensya ko

Pinapangunahan??
Nag aalala lang naman ako sa kanya ahh

"Sweetie??"napatingin ako sa pinto ng marinig ang boses ni mom

"Mom"umiiyak kong sabi

"Nag away ba kayo? Nakita ko si sky lumabas ng galit na galit"sabi ni mom

"Kasalanan ko po mom"sabi ko

"Mag usap kayo anak,hindi pwedeng aalis tayo na magkaaway kayo"sabi ni mom at hinalikan ako sa noo

"Intindihin mo si sky anak ginagawa nya lang ang makakabuti sayo,nakikita ko na mahal na mahal ka nya anak,ang lahat ng problema ay may solusyon at nadadaan sa masuyong pag uusap kaya kausapin mo si sky anak buksan mo iyang isipan mo at intindihin mo sya" paliwanag ni mom habang hinahaplos ang buhok ko

Wala akong masabi kaya napatango na lang ako

FASTFORWARD**

Gabi na pero hindi pa rin ako pinapansin ni sky hindi ko naman sya malapit lapitan dahil kung hindi nya kausap sina zed at yara busy naman ito sa katawagan nito

Hanggang sa hapunan

Tahimik lang kaming lahat habang kumakain
Pansin siguro nila na mag kaaway kami ni sky

"Im done"sabi nito at tumayo na

"Sweetie sundan mo na sya"sabi ni mom wala dito si dad dahil busy rin ito sa palasyo

ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon