CHAPTER 2

21.9K 737 35
                                    

KIRA POV

Naiiritang nagpahid ako ng pawis sa noo dahil sa init. Nandito ako ngayon sa labas ng school naghihintay ng taxi. Nagtitiis sa mga mabahong amoy ng hangin na mula sa mga sasakyan na dumadaan

Sasabay dapat ako kay devon ngayon pero ano ba ang aasahan ko baka masigawan lang ako kapag nagpumilit akong sumabay sa kanya pauwi. Kaya eto ako ngayon naghihintay ng taxi sa labas ng school

"Alam mo yung bagay na payong bes? Ginagamit kasi yun para proteksyon sa init." Rinig ko ang mataray na boses ni louise. Nakasimangot na lumingon ako at nakita ko ang maldita kong bestfriend na may hawak na payong na nilalapit sa akin

"Akala ko ba nakauwi kana? Bakit kapa nandito? "Tanong ko at kinuha ang payong

"Yung bwisit ko kasing driver wala pa!  Galing ako parking lot ng school kanina pa nga ako—oh thanks! Manong you're here! "Sigaw nito ang tinis tinis pa ng boses nito kaya agaw pansin talaga ito

Louise is a pretty lady but pagdating sa personality nito
Ewan!

"Bessy! Sumama ka na lang sa amin dali! "Napailing iling ako

"Wag na louise ang layo layo pa nung samin sa inyo eh mapapalayo lang kayo at iba yung daan ko sa inyo"sabi ko at pinagtulakan ko na ito papasok ng kotse nya huminto sa harapan namin

"Ano ba yan! Aarte ka pa eh dali na kasi! "Sabi nito at hinila rin ako

"Louise wag na kasi mapapalayo lang kayo sa akin, sige bye ingat"sabi ko at iniwan na siya doon

Nilingon ko ito at nakitang nakasimangot ito at pinanlilisikan ako ng mata. Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko namalayan na may grupong babae na biglang dumaan. Mukhang di pa tumitingin sa daan dahil nagbibiruan at naghaharutan ang mga ito

Patungo sila sa direksyon ko
Umabante ako para mas mabilis akong makita ng taxi driver at para makadaan ang grupong babae pero sa sobrang dami nila napa abante ako ng napaabante

Peep!! Peep !! Peep !!

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang malapit na malapit na ang kotse sa akin
Kinabahan ako at di nakagalaw. Napapikit na lamang ako at hinihintay  na mabundol ako ng may biglang humatak sakin at wala sa sariling napayakap ako sa kanya.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba pero teka. Bakit ang tigas naman nito? Pader ba to?
Ang bango naman ata ng pader na ito parang ang sarap sumandal

"Magpapakamatay kaba?"Nanigas ako sa sobrang lamig ng boses nya

Hindi agad ako nakasagot. Nanatiling nakayakap lang sya sakin

Bogsshh..!!!

Napatili ako ng may biglang sumuntok kay skylar. Oo si skylar yung humatak sakin at nayakap ko

Pero hindi man lang ito natumba
Hindi man lang napaalis sa kinatatayuan nito. Nakatingin lang sya kay devon ng walang expression ang mukha

Natulak ko si skylar at lumayo dito. Kinakabahang napaiwas ako ng tingin dahil sa sama ng pagkakatingin ni devon sa akin

And the next thing i knew, kinakaladkad na nya ako papuntang parking lot
Nakita ko pang susunod sana si sky ng may humarang na tatlong tao na nakaitim dito

"D-devon sandali lang n-nasasaktan ako"pilit kong inaagaw ang kamay ko pero wala lang ring saysay

"You slut!!"sigaw nya

"Its not what you-"magpapaliliwanag sana ako ng sinampal ako nito. Napaiyak akong hinawakan ang pisngi ko at halos matumba pa ako sa lakas ng pagkasampal nito

ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETE)Where stories live. Discover now