Chapter 40

101K 2.5K 288
                                    

This is the last chapter we will be hearing Tate's Point of View. Thank you to everyone who loved and admired her clever character. It's my pleasure to read all your thoughts throughout this wonderful journey. Keep safe! :)



Chapter 40

"Sabi ko na nga ba at may continuation pa kayong dalawa, e! Obvious naman kasi na mahal mo pa rin itong si Papi, Tate. Mahilig ka lang talaga mag deny." sabi ni Vanya na ikinaikot ng mga mata ko.

Few months of being in a relationship with Zadriel, we both decided to visit Switzerland again. Pagkatapos manggaling kay Lola Valerie sa Zurich ay nagtungo naman kami dito sa Lauterbrunnen para dalawin si Vanya. We have also decided to stay in the hotel here for the mean time. Nang sa ganoon ay hindi na rin kami makaabala kay Vanya.

Talaga ba, Tate? Para ba hindi makaabala o para... magawa niyo ang gusto niyo nang walang abala?

"Hindi naman tayo masiyadong madaldal ngayon, ano?" sarkastikong saad ko habang nakangiwi ang mukha.

Vanya laughed as she spin the pasta through her fork.

"Totoo naman! Whenever I asked you if you're still in love with him, sasagutin mo ako ng hindi! Etchusera ka rin, e."

Napatingin ako sa gilid ko at naabutan si Zadriel na nakatungo at nagkukunwaring abala sa pagkain ngunit may nakakalokong ngisi naman sa mga labi.

"Tuwang-tuwa ka na naman?" tanong ko sa kanya.

He lifted his head, shot his brow up and acted like he doesn't know what I am talking about. Binitawan niya ang hawak na tinidor at marahang dinampiang ng table napkin ang labi niya. Pagkatapos ibalik ang pamunas sa ibabaw ng hita niya ay ipinatong naman niya ang kamay sa sandalan ng upuan ko at dumukwang sa akin. Ako naman ang nagtaas ng kilay sa kanya.

"Why were you denying it, hmm?" he whispered.

I rolled my eyes. "Of course! Alangan namang aminin ko sa kanya na deads na deads rin ako sa'yo."

He chuckled. "Itatanggi mo pa rin ngayon?"

Narinig ko ang mahinang tili ni Vanya. Sinilip ko ang kaibigan at nakitang titig na titig ito sa amin, ang mga kamay ay parehas pang nasa mga pisngi. Natawa ako.

"Hustisya para sa walang boyfriend dito. Saka mo na ako tanungin, kapag tayong dalawa na lang at walang naiinggit."

"Ang sama mo, Tate!"

Zadriel glanced at Vanya. He licked his lower lip and let out a deep chuckle.

"Sorry. Guess we need some time alone so I can ask her. Would that be okay with you, Van?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong na iyon ni Zadriel, masiyadong diretso. At saka... para sa tanong na iyon kailangan pa namin magsolo? Ganoon ba kahalaga ang magiging sagot ko roon? Maisipin rin talaga ng isang ito.

"S-Sure! No problem!" Vanya laughed, awkwardness can be heard through her voice.

Matapos ang naging almusal namin na 'yon ay nagpasya kami ni Zadriel na magtungo sa may berdeng patag kung saan mas malapitan naming matatanaw ang Swiss Alps.

"The mountains around us looks like a backdrop," I chuckled as I looked at the picture we've just captured right now. "Sobrang ganda."

I was smiling widely in it while Zadriel was behind me, locking his arm around my neck. There's an evil smirk plastered on his lips that made him look like a sexy devil.

"Mas lalong gumanda dahil sa'yo." bulong niya sa tainga ako bago ako pinatakan ng halik sa aking pisngi habang nananatili pa rin nakapulupot ang braso niya sa leeg ko.

Monasterio Series #3: One More Night Where stories live. Discover now