Chapter 4

115K 3K 351
                                    

Chapter 4

Paulit-ulit kong hinihiwa ang pancake sa plato ko kahit halos madurog na ito. It doesn’t look like a pancake anymore. Well, crushed pancake puwede pa. Huminga ako ng malalim at binitawan ang tinidor na hawak. Nag angat ako ng tingin. Mommy’s piercing stare was the first thing I saw. Nagtaas siya ng kilay sa akin habang sumisimsim sa kanyang orange juice.

"What’s wrong?" she asked. Maging si Daddy na abala sa pagbabasa ng diyaryo ay napatingin rin sa akin.

Umiling ako. "Can I ask you a question?"

"You’re already asking, Tatiana."

Napanguso ako sa pangbabara ni Mommy. Dad chuckled. Mas lalong humaba ang nguso ko dahil halatang ginagatungan pa niya si Mommy. I saw Mom glance at him and lifted her red painted lips up, creating her infamous bitchy smirk. 

"Seriously, Dad? Bentang-benta sa’yo itong pangaasar ni Mommy. Ano ba nagustuhan mo sa kanya?" ungot ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Mommy. Dad licked his bottom lips and smirked.

"Everything, Tate. I love everything about your mother. Even her flaws and imperpections, I’m in love with them." sabi niya saka tumingin kay Mommy. The way he stared at her feels like she’s the most beautiful woman his eyes have ever laid on.

Natawa si Mommy. "Patay na patay."

Dad let out a sexy grin. "Gandang-ganda lang."

Ngumiwi ako sa simpleng harutan nila. Noon pa man ay naririnig ko na ang ganoong asaran nila. Hindi man ipakita ni Mommy ay halata ang kilig sa kanya sa tuwing sasabihin iyon ni Daddy. Sa paraan ng tinginan, paguusap at lambingan nilang dalawa, parang walang nagbabago. Parang hindi sila umeedad at nalilipasan ng panahon.

Sabagay... Kung titingnan ay para naman talagang hindi sila umeedad. Gwapo pa rin si Daddy. Kung titingnan ay parang magkasing edaran lang sila ni Kuya Tobias. He still looks as the ruthless and sexy Flavian Follosco. Maganda pa rin kasi ang pangangatawan niya, alaga pa rin sa gym.

Even Mommy is still slaying at her age. Balingkinitan pa rin ang katawan, parang walang anak na puros may edad na rin. She doesn’t have wrinkles or fine lines on her face.

Most of the people who get to see my family says that my parents don’t look like a parents at all. Para kaming magkakaibigan lang. I don’t know if it’s an advantage to have a good and young looking parents. Marami pa rin kasi ang nagpaparamdam kay Mommy. And ending, magseselos si Daddy at magtatalo sila.

"So what’s your question, Tate?" Mommy asked that snapped me out of my thoughts.

Humilig ako sa aking upuan at seryosong tinitigan si Mommy. She tapped her lips with a table napkin and gaze at me. Even Dad was also fixing his dark eyes on my direction.

"Saan po ako nagmana ng kaharutan?"

Umawang ang labi ni Mommy. Ang matatalim niyang mga mata ay namilog bago hindi makapaniwalang napatingin kay Daddy. Her on fleek eyebrows furrowed together before bringing her eyes back to me again.

Wala pa man ay narinig ko na ang malakas na halakhak ni Daddy. His deep voice boomed across the white walls of our dining area.

"What the hell is that question, Tatiana Faith? Ano na naman ang pumasok riyan sa kukote mo?!" nanglilisik ang mga matang sigaw ni Mommy.

My lips pouted. Kulang na lang ay bumuga siya ng apoy dahil sa akin. Si Daddy ay patuloy lang sa paghalakhak na para bang natutuwa pa siya sa naging tanong ko.

"God, baby. We really have a one hell of a bad ass daughter." natatawa pa rin sabi ni Daddy habang umiiling.

Mommy glared at him but it’s just a quick one and then transferred it back to me.

Monasterio Series #3: One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon