Chapter 7

60 5 0
                                    

"GUSTO kitang makasama 'yong tayong dalawa lang," mahinang usal ni Victoria habang kinukuha ang gamit sa loob ng kotse. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mapangiti at kiligin dahil sa sinabing iyon ni Zoran. Ano kaya ang nalanghap at nakain ng binata at bigla-bigla na lang itong naging sweet sa kanya? Una sinabi nitong na-miss siya nito tapos gusto pa siya nitong makasama.

Natigil sa pag-alala si Victoria nang bahagya siyang itulak siya ni Justice. Isang masamang tingin lang ang ibinigay niya rito.

"Nagmumukha kang baliw, ba't ka ngumingiti mag-isa diyan?"

Nang maalala ang nangyari kanina ay muli siyang napangiti.

"Wele nemen."

"Ano ang nangyari sa 'yo, para kang sinapian."

"Heh!"

Kinurot siya ni Justice sa may braso. "Si Zoran ba ang dahilan kung bakit ka pangiti-ngiti ngayon? Naku! Iba na 'yan Victoria."

"He-he-he."

"Si Zoran nga?"

Tumango-tango si Victoria. Sasabihin ba niya kay Justice ang nangyari kanina sa music room o hindi?

Huwag muna baka mausog. Namnamin mo muna ang kilig, aniya sa sarili.

PAGKATAPOS n'ong unang activity ay ipinakilala na sa kanila ni Charity ang mga batang aalagaan nila ng dalawang araw. Nagsisisi si Victoria na pinili niya si Andrea. Pinagsusungitan siya ng bata pero malambing naman pagdating kay Zoran. Bagay na bagay ang dalawa na maging mag-ama dahil parehong masungit ang mga ito. Ang isang bata naman na napunta sa kanilay ay si Vicente, malambing at mabait kaya madaling alagaan.

Nasa gitna siya ng pagbabasa ng profile ni Vicente nang biglang nanikip ang kanyang dibdib. Hindi niya mapigilan na hindi maapektuhan sa nangyari sa mga ito.

Naranasan ni Andrea ang pang-aabuso sa tiyahin nito kahit walong taong gulang palang ang bata. Sinagip ito ng foundation sa malupit nitong tiyahin. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ayaw nito sa kanya. Baka iniisip nitong sasaktan niya ito, na kailanman ay hindi niya gagawin.

Ang batang si Vicente naman ay sanggol palang ay iniwan na ito ng ina sa labas ng foundation. Naaawa siya sa mga ito at the same time ay naisip niyang masuwerte siya dahil nagkaroon siya ng mababait na magulang. She's very thankful that she still have them, who love her. Kahit na minsan ay nagiging pasaway siya at binibigyan niya ang mga ito ng sakit sa ulo. Pagkauwing-pagkauwi niya sa kanila ay pasasalamatan niya ang mga ito dahil hindi siya pinapabayaan.

Huminga siya nang malalim.

"Are you okay?"

Tumingala siya rito. Umupo naman sa tabi niya si Zoran.

"Yes," aniya sabay pahid ng luha na umaaligid sa kanyang mga mata.

"Kanina ka pa hindi dumadaldal kaya hindi ka okay."

"Naawa kasi ako sa kanila. Kailangan ng mga bata na mag-aalaga sa kanila. Hindi sila dapat inaabuso at iniiwan na lang basta-basta. Hanggang pasarap lang ba ang mga magulang nila?"

"You're just over reacting, Victoria."

Kumunot ang noo niya. "Hindi ka ba naawa sa kanila?"

Pinunasan nito ang ibabang bahagi ng kanyang mata gamit ang hinlalaki nito. "Naawa rin ako gaya mo, pero hindi natin dapat ipakita sa kanila iyon. Mas lalo silang madi-depress at malulungkot, saka kaya nga tayo nandito para tumayong magulang nila kahit pansamantala lang. At para pasayahin sila."

Namangha siya sa sinabing iyon ni Zoran. Bagaman masungit ito ay ramdam niyang may maganda itong puso. Ramdam na ramdam niya ang concern nito para sa mga bata. At tama naman ang sinabi nito, hindi nila dapat iparamdam ang pagkaawa sa mga bata. Mas dapat nilang ipadama sa mga ito na mahal nila ang mga ito kahit na hindi nila ito kaano-ano.

Victoria's ZoranWhere stories live. Discover now