𝙾𝟻𝟺

34 2 1
                                    

‧₊˚ short narrations ahead ; lowercase intended

kang yeosang

bored kong tiningnan lang ang anim kong magkakaibigan na nag-uusap at nagkukulitan. hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila kasi busy din ako, may mga oras kasi na sisilip ako sa phone tapos wala naman akong natatanggap pa na messages.

mahina pala signal dito. ano ba naman 'yan.

binalik ko sa pocket ang cellphone at tsaka ko pinatong ang ulo sa mesa. napabuntong-hininga na lang ako at pumikit. hindi naman ako matutulog. pipikit lang talaga.

kinukulit na din ako nila jongho pero hinayaan ko lang sila. kahit ano pa gawin nila sa akin, hahayaan ko lang basta ikukulong ko sila sa cabinet after.

"wala pa ba si wooyoung? ang tagal naman niya. sabi may kukunin lang daw sa auditorium kasi may naiwan siya." rinig kong reklamo ni san. "dapat talaga sumama na ako, eh. bagal naman niya kumilos."

"at bakit siya magpapalagay pa ng dalawang upuan? walo lang naman tayo, ah?" isa pang reklamo na galing kay mingi.

napansin ko din na may dalawa pang vacant na upuan. isa sa harap ko, 'yung dalawa naman sa kabilang side — side na nila hongjoong.

basta talaga si wooyoung, lagi na lang may reklamong nakahanda.

namumula na noo ko sa sobrang tagal na nakapatong. hanggang ngayon ay wala pa rin si wooyoung. may time management pa siyang nalalaman.

tumayo na ako at nag-inat. pumunta ako sa gilid para tingnan ang view. sarap ng hangin dito sa rooftop! buti na lang at kami lang ang nakakapunta dito, wala ng iba. mas maganda pa dito kesa sa canteen o sa café, maiingay do'n tapos ang dami pang tao. dagdag mo pa na mangangamoy pagkain ka.

"hoy mga hangal, andito na ako!" napalingon kaming lahat kay wooyoung nang marinig ang kanyang napakalakas na boses.

ang akala namin ay siya lang mag-isa ang pupunta pero nagulat na lang kami ng sumunod sa kanya sila ysa. tuwang-tuwa naman mga hayop ng makita sila.

bumalik na ako sa upuan ko. supposedly, kaharap ko dapat si wooyoung pero ngayon ay sa tabi siya ni san umupo. si ysa ang pinaupo nila sa harap ko.

i slightly glanced at ysa. pucha, naiinitan ba siya at bakit namumula buong mukha niya? kakausapin ko ba o ano? awkward din ng last chat namin.

tiningnan ko nang masama si wooyoung nang marinig ko siyang nag-giggle. may pinaplano ang kupal.

"uh, wooyoung invited k-kara and i for lunch. s-sinabi niya na kaming t-tatlo lang..." napa-blink ako ng ilang times. ako ba kinakausap niya?

'yung mga kaibigan namin hinihiwalay naman ang table namin. hindi naman ako maka-reklamo. puta, ano ba talaga ang pinaplano nila?

"enjoy niyo date! isipin niyo na lang na wala kami dito!" sabi ni kara. aba, kasabwat pala.

nakita kong napayuko na lang si ysa at inayos ang buhok. nahihiya ba siya? i forced out a smile. mga loko talaga. they're making ysa uncomfortable.

crush | k.yeosangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon