Chapter 3

9.5K 1.7K 118
                                    

“Hello, future wife.” I smiled at her and she rolled her eyes at me.

Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako. Pakiramdam ko kasi napakaswerte ko at si Raya ang naging girlfriend ko tapos pareho pa kaming hindi pa nagkaroon ng karelasyon kaya fresh start at walang pressure. Ang takot ko kasi nun ay baka yung maging girlfriend ko ay nagka-boyfriend na at  hindi nya maiwasang ikumpara ako dun sa ex nya. And I might fall short of her expectations. Iniisip ko pa lang ang sakit na.

“O, ano nang gagawin natin? Uwi na ba?” Tanong nya sa akin at umupo ako sa tabi nya.

“Ang aga naman. Pwede bang dito muna tayo?”

“Ano namang gagawin natin dito?”

“Wala.” Nakangiting sagot ko sa kanya.

Kahit anong pilit ko ay hindi ko maiwasang mapatitig sa labi nya. Sino ba namang lalaki ang ayaw makahalik? Kaplastikan na yun. If girls are into hugging, kaming mga lalaki mahilig sa kiss—there’s just something intimate, deep and personal about kissing.

Ewan ko kung nahalata nya yung ginawa ko sa ice cream na in-order namin kanina, mukha namang hindi kasi hindi sya nag-react. Wala naman siguro. Sigurado kasi akong si Raya yung tipo ng babaeng walang palalampasin—kung may gusto syang sabihin ay sasahibin nya; kung may gusto syang itanong sayo ay hindi sya magdadalawang-isip at kung may hindi sya nagustuhan ginawa mo ay ipapamukha nya sayo. Baka nagustuhan nya din. Gusto kong ngumisi kaya lang baka matakot sya sa akin.

“Ryan?”

“Ano yun?

“Sinadya mo bang iisang ice cream lang ang binili mo sa FIC?” Tanong nya sa akin at bigla akong kinabahan.

“Ha?” Patay tayo dyan.

“Yung ice cream, hindi ba nagsalitan tayo kumain dun? Sinadya mo ba yun?”  

I wanted to deny that I really intended for both of us to share an ice cream but I didn’t want to lie to her. Pero takot din ako na baka magalit sya at sa sobrang galit nya ay makipaghiwalay sya sa akin kaagad.

“Pwedeng kahit galit ka sa akin ay wag mo akong hiwalayan?”

“Ang layo ng sagot mo sa tanong ko.” Medyo may pagkamataray ang boses nya. “Anong kinalaman ng ice cream sa hiwalayan?”

“Kasi...”

“Kasi sinadya mo at inisahan mo ako.” She finished my sentence for me and I ashamedly lowered my head and stared at my shoes. “Inisahan mo nga ako?”

“Hindi sa ganun...”

“Ano pala?”

“Gusto lang kitang halikan pero nahiya akong magsabi.” I answered and she frowned at me and I held my breath. But then she laughed.  

Ano yan, laughter before the great war? Baka tatawa sya pero sa isip nya ay binabalatan na nya ako ng buhay. I looked warily at her.

“Galit ka ba?"

“Hindi ko alam kung matatawa o mabibwisit ako sayo, Ryan. Para kang timang.” She said. Kakaiba ang choice of words nya, yung tipong ang pangit ng kahulugan pero kapag sya ang nagsabi ay ang lambing pakinggan?“Kiniss mo ako kanina, eh habang nagpi-picture tayo.”

“Sorry ulit.”

“Sorry nang sorry...teka lang, pervert ka ba?”

“Hindi ah!” I immediately replied and she looked cautiously at me. “Wag ka namang matakot sa akin, hindi naman ako manyakis. Gusto lang kitang halikan kasi masaya ako na tayo na. Yun lang yun, wala na akong ibang iniisip.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon A Fishball 2: Ryan Vincent Soler's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon