Chapter 1

24.9K 2.9K 194
                                    

Kanina ko pa sya tinitingnan. Pabalik-balik na naglalakad sya sa harapan ko pero hindi nya ako pansin. Mukha syang galit na galit sa kausap nya sa telepono at natatawa ako kasi ang galing nyang mambara.

"Kelan ba hindi traffic sa Pilipinas, Kuya?!" I heard her snap. Hindi ko alam kung bakit parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nung narinig ko ang salitang Kuya. Dahil siguro cute sya at sayang naman kung boyfriend pala nya ang kausap nya.

"Sana nagsimula na akong maglakad! Siguro nakarating na ako sa bahay ngayon!" Mataray nyang sabi. I couldn't help but smile. Astig. Ang amo ng mukha nya, parang di-makabasag pinggan pero ang talim nyang magsalita.

Katamtaman lang ang tangkad nya, siguro hanggang balikat ko sya. Maputi, mukhang mataray at hanggang balikat ang buhok. She was wearing a pair of faded denim jeans, yellow blouse and dark blue sneakers. I feasted my eyes on her at gulat na gulat ako nung lumingon sya sa akin. Binaba ko agad ang tingin at nagkunyari akong nagti-text.

"Oo na, basta bilisan mo! Gutom na gutom na talaga ako, Kuya!" She pocketed her phone, sighed and sat down beside me. Palihim ko syang tinitingnan. Kinuha nya ang wallet nya sa bag at nagbuntong-hininga sya ulit pagkatapos nyang buksan. "Bahala na nga." I heard her say before she stood up and crossed the street.

Sinundan ko sya at tumayo ako sa tabi nya habang ino-order nya ang sampung pisong fishball. Kahit gusto kong lumapit ay hindi ko magawa kasi ang dami nyang paper bags kaya nagkasya na lang ako sa isang piyeng layo namin sa isa't isa. Medyo natulak sya ng babae sa bandang kanan nya at nadikit sya sa akin. "Sorry." She didn't even look at me. Hinihintay kong tumingin sya sa akin kasi gusto ko syang ngitian.

"Anong sayo, Kuya?" Tanong sa akin ng ale na nagtitinda ng fishball.

"Po?"

"Ano pong bibilhin nyo? Fishballs, kikiam, dynamite, kwek-kwek, pancit canton..." Medyo naasar yung boses ng babae.

"Fishballs po. Sampung piso." Mabilis na sagot ko. Nakita kong inaabot na ng tagaluto yung isang maliit na plato ng fishballs sa kanya. Sa dami nyang bitbit, muntikan na akong mag-offer na ako na ang magdadala nung iba nyang paper bags. Kaya lang nahiya ako.

"Dito ka, Ate o. May space pa." Sabi nung nagtitinda sa katabi ko. Ayoko syang umalis kasi masyado namang halata kung susundan ko sya at makisiksik ako dun sa maliit na mesa. Baka matakot naman sya sa akin.

"Hindi po, balik na lang ako dun." Sagot nya naman. "Halo po yung sauce, thank you!"

"Ikaw, anong sauce mo?" Tanong nung tindera. Hindi ko sya pinansin kasi tiningnan ko kung saan pupunta yung babaeng katabi ko. "Hoy, kuya anong sauce mo?"

"Halo din po." Nagulat na sagot ko. Alam ko namang hindi sya sasakay kasi mukhang wala syang ibang pera. Alam ko rin na sa Sunken Garden lang ang punta nya kasi hindi sya makakalayo sa dami nyang bitbit. Pero gusto ko syang makatabi ng upuan kaya nagmamadali ako. "Ate, pwede pong pakibilisan? Tsaka isang bote ng mineral water din po." I said. Pagkaabot na pagkaabot nya nung fishballs at tubig ay umalis ako kaagad.

"Sukli mo!" Sigaw nung ale. Nagdalawang-isip ako kung babalikan ko pa ba o hindi. Kaya lang baka umalis na sya.

"Mamaya po babalikan ko!" Sagot ko bago ako tumawid. I immediately saw her. Kitang-kita kasi ang kulay ng blouse nya kaya hindi ako nahirapan. Halos takbuhin ko na ang concrete bench kung saan sya nakaupo dahil takot akong maunahan.

"Hi, Sandy! Bakit ka napatawag?" She was talking to someone over the phone. Parang ang daming kausap ng babaeng to. "Teka, check ko." Sabi nya sa kausap nya.

"Excuse me, pwedeng makiupo?" Tumango sya pero hindi pa rin sya tumingin sa akin at tinabi lang ang mga paper bags na dala nya.

Gusto kong makipagkilala pero kahit kelan mahina talaga ako pagdating sa pagdiskarte sa mga babae. Sa buong section namin noong highschool, ako lang yata ang hindi nagka-girlfriend. Hindi rin naman ako naghanap. Naniniwala kasi akong hindi yun hinahanap at kusa yung dumating. At ito na, dumating na sya. Bulong ko sa sarili ko.

Once Upon A Fishball 2: Ryan Vincent Soler's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon