Chapter 3: Bet

67 6 0
                                    




Chapter 3: Bet




That night, I met Jeremiah and his parents. They're nice but their son is a jerk. Halos mapairap na naman ako nang maalala ang nangyari kagabi.




"We own one of the biggest publishing company here in the Philippines. Hindi mo na kailangan problemahin ang gagastusin natin sa kasal dahil ang parents ko na ang bahala doon."




Saan kaya nakuha ng parents ko ang idea na ipakasal ako doon? At as if namang papayag ako. That jerk! Ni hindi ko ma-imagine na hahawakan ko ang kamay noon.



Pagkatapos ng class namin ay pinasundo na 'ko ni Mommy para makapaghanda daw sa dinner namin. Sinuot ko ang dress na hinanda niya. Kitang-kita ko ang pagsuyod ng tingin ni Jeremiah sa aking damit. Pinigilan ko na lang ang pag-irap, kaya ngayon, wala na naman ako sa mood.



Agad akong nagsend ng message kay L at Arianne, ipinaalam na gusto nga ako ipakasal kaya I was bombarded with their questions kinabukasan.

Pero ang mahalaga sa ngayon ay tinanggap ni Ms. Z ang picture ko pero katakot takot na sermon muna ulit ang inabot ko. Puro ngiti lang ang sinukli ko sa kanya. Sinabi niyang may ipapagawa siya sa'kin sa mga susunod na araw bilang parusa sa late kong pagpapasa. It's fine. I deserve it.




"Ano, gagraduate ka na?" Yumakap sa braso ko si L, si Arianne naman ay sumabay na sa'min paglalakad. Hinintay nila akong makalabas ng guidance office. "Dapat pinasa mo kasi agad nung huli kang pinagalitan ni Ms. Zia. Hindi yung hinintay mo pa ang isang linggo ulit."






Kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang maramdamang nagvibrate ito.

MommyDinner at home with Jeremiah's family. Don't be late.

I replied.


To: Mommy

Myy, I have school activity. I'll schedule na lang po kung kelan kami magkikita.

Sa totoo ay wala naman. Ayoko lang makita ulit yung lalaki na 'yon. At hindi ako mags-schedule!


"Allen Cyrene!" Hinampas ko ang braso niyang nakakapit sa'kin nang halos sumigaw siya sa tenga ko.




"Ano ba? Wala akong time kumuha ulit ng picture. Maging happy na lang tayo dahil in-accept pa ni Ms. Z, hindi ba?"



Siya naman ang halos bulyawan ko nang makitang wala na pala sa'kin siyang pakialam dahil naagaw na nang kung sinuman ang attention niya.

Sinundan ko ang tingin niya. Kinurot ko ang braso niya nang makitang tulalang tulala siya kay Bautista na nakatambay sa harap ng classroom nila kasama ang ibang classmates slash tropa niya.





"Konting hiya naman, Leonardo! Halatang halata ang tingin mo!" Napailing nalang ako.

"Araw-araw siya pumo-pogi no?" Bulong niya sa'kin. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa'kin. Lumapit ako kay Arianne pero hinigit niya ko pabalik. "Crush din yan ni Arianne e."




At doon ako labis na nagulat. Napatigil ako sa paglalakad at napaharap kay Arianna Saturn.




"Really?" Nakita kong pumula ang pisngi niya. Oh my! Kaibigan ko ba talaga ang mga ito? Bakit ngayon ko lang nalaman?!

"Oh, kahapon ko lang din nalaman." Singit ni L.

"Tinulungan kasi kahapon ni Thunder si Arianne nung nahulog yung books niya. Na-fall na rin pala siya dati pa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon